Nabaliw dahil sa aksidente
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2019 - 12:00am

(Huling bahagi)

NAGSAMPA ng petisyon sa Supreme Court si Joyce para kuwestiyunin ang pasya ng DOLE. Isinama niya sa kanyang petisyon ang ulat ng isang doctor na Hepe ng Cancer Section na sinabing ang pinsala sa utak ni Lando ay resulta ng mental deterioration at kaya siya nagpakamatay ay dahil wala na siya sa tamang katinuan dahil sa aksidente kaya konektado pa rin sa trabaho ang nangyari.

Pinaboran ng SC si Joyce at isinantabi ang naging hatol ng voluntary arbitrator at ng DOLE. Pinagbayad ang pabrika sa pagkamatay ni Lando.

Idineklara ng SC na sapat nang matibay na ebidensiya ang tindi ng pinsalang tinamo sa utak, pagkapunit ng anit at pagka­bagok ng ulo ni Lando nang maipit pagkatapos nitong tumilapon ang kanyang katawan sa makina.

Ayon sa SC, ito ay tugma at konektado sa kanyang pagkawala sa sarili. Ang pagkabaliw ay isang sakit na maaaring may kinalaman sa aksidenteng tinamo.

Kahit hindi naiharap sa korte ang doktor na nag-aral sa medical history ni Lando, puwede pa rin na ikunsidera ng korte ang ginawa niyang ulat dahil hindi naman talaga nagkaroon ng pagkakataon si Joyce na maipakita ang koneksiyon sa pagitan ng pagkabaliw at pagkamatay ni Lando. Sa katunayan ay hindi pinapayagan ng referee at ng DOLE ang pagbibigay ng dagdag na ebidensiya.

Dapat tandaan lalo sa workmen’s compensation na ang koneksiyon ng ebidensiya at ang hindi pagtanggap ng dagdag na ebidensiya ang dapat manaig. Hindi tamang sabihin na incompetent evidence ang ipinapakita para lang tanggihan ito.

Ayon sa ating Saligang Batas, dapat manaig ang liberal na interpretasyon sa Workmen­’ Compensation Act alinsunod sa isinusulong nat­ing­­ ka­ta­­rungang panlipunan. Ang pagkabaliw na dulot ng aksi­dente sa trabaho na nagresulta sa pagpapakamatay ng isang empleyado ay dapat lang bayaran (Galceran vs. Secretary of Labor and Hi Cement Corporation, G.R. L-47953, July 20, 1982)   

SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with