Palaging late na empleyado, sinibak sa trabaho, nagpasaklolo
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2018 - 12:00am

ISANG dating driver ang humingi ng tulong sa aming action center matapos matanggal sa trabaho. Hindi matanggap ang nangyari at nagpapakampi sa BITAG.

Suspetsa namin mayroon siyang sabit o ginawa para tanggalin kaya nag-imbestiga kami.

Hindi naman puwedeng wala lang o trip lang. Maliban na lang siguro kung kulang-kulang ang kanyang amo.

Umamin naman siyang may problema sa pagpasok nang maaga. Ang time in niya sa trabaho, laging late.

Pinagpipilitan niya na tama siya at api sa nangyari kaya pinaliwanagan namin. Bilang isang tauhan, nagbibigay siya nang masamang imahe sa kanyang employer. Hindi niya masunod ang simpleng pagpasok sa tamang oras.

Maraming beses nang na-late ng pasok sa opisina at malimit napagsasabihan. Mayroon nang behavioral pattern.

Maiintindihan ng sino man kung isa, dalawang beses lang… kaso hindi. 

Dahil naging habitual tardiness na, markado na siya bilang di magandang empleyado. Hindi nabago ang sarili kaya tinanggal. 

Dinadaya na lang niya ang oras ng pag-uwi, depende kung anong oras siya pumasok.

Kung tanghali na siya pumasok, gabi na siya matatapos. Nag-self management na siya kumbaga, pambawi sa kasalanan niya.

Hindi ka naman may-ari ng kompanya na puwedeng pumasok anumang oras mo gustuhin. Hamak na empleyado ka lang.

Dagdag pa rito, ‘yung mga bossing na siyang may karapatan… sila pa ang maaga kung pumasok. Sila pa ang naghihintay sa kanilang empleyado.

Napakahalaga ng oras dahil limitado lang ito, lalo na sa mga malalaking kompanya. Hindi puwedeng paghintayin ang mga importanteng kliyente. 

Kahit ang sarili nating buhay sa mundong ito ay limitado ang oras. Nakadepende na sa tao kung san ito igugugol… sa layaw, sa kalokohan o sa importanteng bagay.

Mga boss, kung akala ninyo matagal ang buhay sa mundong ito, nagkakamali kayo. Do not let time steal from you. Steal away from time.

Anong wisdom dito? Maging disiplinado… pumasok sa duty nang maaga, umuwi nang maaga. Sa ganun, marami kang oras sa pamilya at hindi ka nalilintikan sa trabaho.

JOB TRABAHO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with