Nabaliw dahil sa aksidente
IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2018 - 12:00am

(Unang bahagi)

SA ating batas, kapag naaksidente ang isang empleyado o kaya ay namatay habang nasa trabaho, ang kanyang amo ang mananagot. Pero ayon sa Section 2 & 4, Workmen’s Compensation Act, hindi babayaran ang pagkadisgrasya ng empleyado kung ito ay dahil sa sarili niyang kagustuhan na saktan ang sarili o kaya ay dahil sa kalasingan o matinding kapabayaan. Kung ang pagkamatay ay dahil sa suicide habang empleyado pa siya, mananagot pa rin kaya ang kanyang amo? Ito ang isyu sa kaso ni Lando.

Dalawang taon nang empleyado sa pabrika ng semento si Lando bilang preheater operator. Nagkaroon ng aksidente at naipit ang ulo niya sa V-belt kahit pa may suot na helmet. Nakaladkad ang buong katawan ni Lando at humampas ang kanyang ulo sa makina na naging sanhi ng kanyang pagtilapon.

Dinala siya sa ospital at ginamot sa loob ng dalawang buwan. Ayon sa mga doctor ng ospital at ng kompanya, matindi ang pagkapunit ng mga tissue sa anit, leeg at nagkaroon din nang matinding pagdurugo sa kanyang utak.

Isang linggo matapos makalabas ng ospital ay nagbigti si Lando. Ayon sa kanyang death certificate ay “asphyxia due to strangulation suicidal” ang sanhi ng pagkamatay ni Lando. Bilang naiwang asawa, ipinaalam ni Joyce sa DOLE Region 4, Workmen’s Compensation Section ang nangyari at humingi ng kaukulang death compensation.

Ang katwiran ni Joyce, hindi ginusto ng kanyang asawa ang magpakamatay. Wala raw ito sa sariling katinuan dahil sa tindi ng tinamong pinsala sa utak mula nang maaksidente sa planta. Nang makapagsumite ng kanya-kanyang salaysay ang magkabilang panig, ibinasura ng tumayong tagapamagitan ang kaso at kinatigan ito ng DOLE.(Itutuloy)

JOSE C.SISON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with