^

PSN Opinyon

Silent Night, Holy Night

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG Pasko 2018 at Bagong Taon 2019   ay ika-15 taon na ring pinaiiral ang total ban on firecrackers at pyrotechnic materials dito sa Davao City.

Ibig sabihin nito ay may 15 taon na rin kaming zero-injury o walang naging biktima ng paputok tuwing Christmas Eve at New Year’s Eve. 

Masarap sa pakiramdam ‘yung bakante ang emergency rooms ng mga hospital dito tuwing sasapit ang New Year’s Eve at Christmas Eve dahil walang mga natamaan ng kung anong paputok.

Kung ang ibang bahagi ng bansa, lalo na sa Metro Manila ay talagang nag-uunahan ang mga duguan at sugatan sa attention ng mga manggagamot sa emergency rooms, dito naman ay naka-standby lang ang mga doktor kung sakali mang may mangyayari.

Kung saka-sakali mang may mga pasyente rito nang dahil sa paputok o ligaw na bala na dinadala sa mga ospital dito sa Davao City, sila ay hindi taga-rito sa lungsod namin. Nanggaga-ling pa sila sa mga karatig bayan na kung saan kulang ang facilities for treatment sa kanila.

Ang lahat nang ito ay dahil nga sa ban on the sale, use and even mere possession of fireworks and pyrotechnic materials na mahigpit na pinatutupad dito sa Davao City.

At nasanay na rin kami rito sa amin sa Silent Night, Holy Night tuwing Pasko at Bagong Taon.

At ang ginagawa namin sa pagsalubong ng Pasko o Bagong Taon ay kinakalembang ang mga kaldero, lata at pinalalakas namin ang sound systems o kung hindi bumubusina nang ma-lakas  ang mga sasakyan.

At ang tindi ng aming disco sa kalye upang makapag-ingay lang talaga pagsapit ng alas-dose ng Bagong Taon bilang paraan sa pagtataboy ng masamang espiritu ng nagdaang taon.

Sana makaugalian na rin ng buong bansa ang Silent Night, Holy Night na paraan sa pagsalubong sa Bagong Taon, nang sa ganun ay makaiwas ang lahat sa disgrasya.

vuukle comment

FIRECRACKERS BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with