Labanan  ang dengue
Labanan ang dengue
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2018 - 12:00am

BUONG taon, tuluy-tuloy ang paglaban sa dengue. Ang pagsugpo sa dengue ay trabaho ng lahat. Narito ang limang paraan para makaiwas sa dengue.

1. Linisin ang paligid:

— Alisin ang mga naiipong tubig sa lumang gulong, timba, flower vase, bote, bao ng niyog, at iba pa.

— Butasin ang lumang gulong. Itaob ang mga timba at bao ng niyog

— Maglinis sa labas at loob ng bahay. Alisin ang basura sa bakuran. Nagtatago ang lamok sa madilim na mga sulok.

2. Hanapin at puksain ang mga lamok:

— Paminsan-minsan, puwedeng mag-spray ng insecticide. Siguraduhin lamang na walang tao sa kuwarto o bahay sa loob ng dalawang oras. Huwag mag-spray sa kusina at baka malagyan ng lason ang iyong pagkain.

— Patayin din ang mga lamok na nakapasok sa iyong silid.

3. Protektahan ang sarili:

— Magsuot ng pajama, long pants o long sleeves. Kausapin ang paaralan na payagang mag-long pants ang mga bata.

— Puwedeng maglagay ng OFF lotion sa iba’t ibang parte ng baro, mula ulo hanggang paa. Huwag ipahid ang lotion sa balat at baka mag-allergy ka.

— Isara ang pinto at bintana sa bahay palagi. Kung puwede, maglagay ng screen sa pintuan at bintana.

— Gumamit ng kulambo.

4. Palakasin ang katawan:

— Kumain ng masustansiya, mag-ehersisyo at magpahinga ng sapat.

5. Magpatingin sa doktor:

— Alamin ang dengue warning signs. Magpatingin sa doktor kapag masakit ang tiyan, laging nagsusuka, sobrang panghihina, may pagdurugo sa bibig, ilong, dumi at bumababa ang platelet count.

— Paracetamol lang ang ligtas ibigay para sa lagnat. Painumin din ng maraming tubig, lalo na kung may lagnat.

Mag-organisa tayo ng weekly clean-up day. Maglinis ng paligid para malabanan ang dengue.

DENGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with