^

PSN Opinyon

Pasko para sa lahat

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALIGAYANG Pasko sa lahat! Sana ay naging masaya ang inyong Pasko, at hindi rin nalimutan ang tunay na dahilan ng pagdiriwang ng Pasko. Ang mensahe nga mula sa Palasyo ay isantabi ang malason at nakamamatay na pulitika, at hinikayat ang mga Pilipino na maging mahabagin at madamayin. Ang masasabi ko lang ay sana ang mga nasa Palasyo muna ang ma­nguna sa lahat ng mensahe na nagmumula sa kanila.

Hindi ba’t panay ang banat ni President Duterte sa mga kalaban niya sa pulitika? Hindi ba’t panay ang puna niya, panay ang insulto, panay ang pangmamaliit sa mga oposisyon, sa mga obispo, pari, simbahan? Kaya siguro dapat manguna na muna ang mga nasa Palasyo, para sumunod na ang lahat. Kapansin-pansin nga ang patayang nagaganap na malamang ay may kaugnayan sa pulitiko, kahit sa panahon ng Pasko. Ito na nga ang “normal” na sitwasyon. Ayon kay House Speaker Gloria Arroyo, napakamura na ng buhay. Ganun na nga.

Ayon naman kay NCRPO chief Guillermo Eleazar, higit 1,000 na ang nasasagip na namamalimos sa kalsada mula Disyembre 11 hanggang 25, karamihan ay mga katutubo. Pinabalik sa kanilang lalawigan umano ang mga nasagip, at mga wala namang mauwian ay tinulungan ng DSWD. Pero sa labas mismo ng Camp Crame ay may namamalimos pa rin na mga katutubo. Dapat masagip na rin sila at pauwiin na sa kanilang lalawigan.

Pero kung sinasagip sila at pinauuwi, libu-libo naman ang pumila na nais makatanggap ng regalo mula sa Presidente sa Davao City. Maganda siguro kung namigay din ang gobyerno ng mga regalo sa mga namamalimos sa kalsada, partikular nga ang katutubo, para hindi na nga sila manlimos at makauwi na. Baka dapat sa Davao City na sila magtungo imbes na sa Metro Manila tuwing Pasko, para mabigyan ng regalo. Para sa lahat naman ang Pasko, hindi lang para sa mga kaalyado sa pulitiko at mga ka-lala­wigan, hindi ba? Kaya Merry Christmas sa lahat!

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with