^

PSN Opinyon

Problema ng bullying

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUMALAT ang mga video ng isang Ateneo student, na marunong umano ng Taekwondo, na nanindak, nanuntok at nanipa ng mga kapwa estudyante. Ito ang problema na ayaw ng isang paaralan, bullying. At malinaw ang naganap dito. Kung aral sa martial arts ang estud­yante na nanghamon ng away, kahit mas maliit pa siya, hindi niya ito dapat ginagamit para maging maton sa paaralan. Hindi niya ito dapat ginagamit para manakit lamang ng kaklase. Sigurado ako na itinuturo ang martial arts para ipagtanggol lamang ang sarili, o ipagtanggol ang inaapi, maliban na lang kung mali rin ang turo sa mga mag-aaral.

Tumanggap ng kritisismo ang Ateneo para sa kani­lang tila walang pakialam sa naganap na insidente ng bullying. Tila pinababayaan ang mga mag-aaral na ayusin­ ang kanilang problema. Pero naglabas na ng opisyal na pahayag ang unibersidad na seryoso sila sa isyu ng bullying­, at iniimbestigahan ang insidente at parurusahan ang may kasalanan. Ewan ko, pero ano pa ba ang kailangan nilang ebidensiya kung may mga video na kumakalat sa internet.

Ang payo ni DFA Sec. Teddy Locsin sa magulang ng batang inapi ay sila na ang kumilos laban sa bully. Hindi ko mahusgahan ang pahayag ni Locsin. Apat kasi ang kapatid kong lalaki, bagama’t pumanaw na ang isa, pero alam ko na kung may inapi sa alin sa kanila noong nag-aaral pa ay kikilos ang tatlo. Ganun lang talaga noong araw. Ngayon, “iniimbestigahan pa” o “kailangan ng tulong ang batang na-bully at nam-bully”. Noon, kapag minaltrato, bawi kaagad. Iba na nga siguro ang panahon ngayon. Halos lahat nakukunan ng video.

Mabuti na rin at nasiwalat ang problema ng bullying, mula pa naman sa isang kilala at marangal na unibersidad. Dapat lang umaksyon kaagad ang Ateneo sa insidenteng ito. Kung hindi lang isang beses ang insidente na kinasasangkutan ng bata, malinaw na siguro ang kanilang desisyon. Kung may mas malalim na problema ang bata, kailangang matukoy. Hindi maganda ang palaaway, lalo na sa bata. 

vuukle comment

ATENEO STUDENT

BULLYING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with