^

PSN Opinyon

Araw-araw ay Pasko

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

KUNG tutuusin ang Pasko ay hindi lamang tuwing­ Dis­yembre 25 kung saan ay ginugunita natin ang kaarawan ni Panginoong Hesus.

Ang Pasko ay hindi lamang ‘yung pagsabit natin ng palamuti at kung anong decors na pinupuno ang ating mga bahay at maging mga opisina, parks at iba pang public places at maging mga tindahan na paskung-pasko ang dating ng kanilang mga decorations sabay ang mga kumukutitap na mga ilaw.

At lalong ang Pasko ay hindi lamang ang palitan ng mga regalo at walang humpay na kainan sa Christmas parties.

Dahil ang totoong diwa ng Pasko ay iyong araw-araw nating pamumuhay na kung saan ay dapat tayong magpasalamat sa Poong Maykapal sa lahat ng grasya at biyaya na ating tinatamasa sa buong taon.

Ang Pasko ay ang bawat segundo ng ating buhay na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos.

Ang Pasko ay ang diwa ng pagbibigayan hindi lamang isang beses sa isang taon.

Dahil ang Pasko ay makikita natin sa mukha ng bawa’t nilalang sa mundong ito na dapat nating malugod na ipagpasalamat sa Maykapal dahil nga tayong lahat ay anak ng Diyos.

Ito ay nasa ating mga puso, yon ang tunay na diwa ng Pasko anumang oras o araw man ng ating buhay.

Maligayang Pasko mula dito sa amin sa Timog Mindanao.

vuukle comment

CHRISTMAS SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with