^

PSN Opinyon

Magugulong pahayag

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa malaman ang magiging tadhana ng Road Board, dahil sa magugulong pahayag tungkol dito. Unang ipinahayag ng Kongreso na bubuwagin na ang Road Board, pero binawi umano ni House Speaker Gloria Arroyo ang panukala.

Nagpahayag naman ang Senado na kahit walang pirma mula sa Kongreso ang isang panukalang batas, puwedeng iangat na ito kay President Duterte para pirmahan. Ang nais ng Senado ay buwagin na ang Road Board, na binansagang isa sa mga pinaka-“corrrupt” na ahensiya sa gobyerno.

Nagpahayag din si Palace Spokesperson Salvador­ Panelo na handa na raw pirmahan ni Duterte ang anu­mang batas para buwagin ang Road Board. Pero ayon naman kay House Majoirity Leader Rolando Andaya Jr., ayaw daw ni Duterte na buwagin ang Road Board. Dapat lang daw ay siguraduhing maayos ang pagpapatakbo, walang kalokohan, ang Road Board.

Itinanggi naman ng ilang senador na humiling sila pondo mula sa Road Board para sa ilang proyekto. May inendorso umano si Sen. Franklin Drilon para sa isang proyekto sa Iloilo noong nakaraang administrasyon pa, kung saan sa Road Board daw lamang puwedeng humiling ng pondo at hindi sa budget ng bansa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng pondo ang Road Board para sa nasabing proyekto. 

Pero may kalokohan na nga. Pinag-aawayan daw ang pondo ng Road Board, ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, para magamit sa susunod na eleksyon. Ito ang dahilan ng alitan sa pagitan ng Palasyo at Kongreso. Ganito na naman. Mga magugulong pahayag mula sa mga sangay ng gobyerno. Kaya nalilito lang ang mamamayan.

Tulad na lang ng pahayag hinggil sa suspensiyon ng number coding itong kapaskuhan. Unang pahayag ay suspendido ang number coding para sa lahat mula Dis. 24 hanggang Enero 2. Pero para sa mga pamprobinsiyang bus lang daw ang suspensiyon ng coding.

Matapos ang ilang oras, iba na naman ang pahayag ng isang taga-MMDA. Para sa lahat daw. Kaya hindi pa matiyak kung kailan walang coding, at kung para kanino lamang. Maghihintay na lang na naman ng opisyal na pahayag mula sa MMDA. Sana lang ay maayos ang mga pahayag mula sa administrasyong ito, para hindi nalilito ang mamamayan. 

vuukle comment

GLORIA ARROYO

ROAD BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with