^

PSN Opinyon

Desisyon ng Senado

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG hindi gusto ng Senado ang pinaplanong mga CCTV na ilalagay sa buong Metro Manila at Davao City, dahil sa kompanyang taga-China na panggagali­ngan ng teknolohiya. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P20 bilyon. Nagpahayag ng pangamba si Sen. Ralph Recto sa mga isyu ng seguridad, dahil sa magiging suplayer ng sistema, Huawei, na blacklisted pala sa ibang bansa dahil sa “hacking and spying”.

Mabuti naman at hindi lahat na lang ng galing China ay basta-basta na lang tinatanggap. Parang biglang nagdagsaan ang mga kompanyang taga-China na nais magnegosyo sa Pilipinas, dahil sa pagyakap ng admi­nistrasyong ito sa China. Kailangan munang ipakita ng China Telecom na hindi gagamitin ang sistema ng CCTV para maniktik sa bansa. Siguro, kailangan ding siguraduhin ng administrasyon na hindi rin gagamitin laban sa mamamayan.

Umalma naman ang Huawei. Hindi lang ang Pilipinas ang nagpahayag ng pangamba sa Huawei. Nanawagan ang chairman ng Huawei sa Amerika at Australia na patunayan na sila ay panganib sa seguridad. Kung may ebidensiya, dapat ipakita raw sa kanila, kahit hindi isapubliko. Sila raw ang pinakamalaking suplayer ng pinakabagong teknolohiya sa komunikasyon, kaya hindi raw nila maintindihan kung bakit sila sinisita. Kung pagbabawalan daw sila sa maraming bansa, baka magmahal daw ang teknolohiya na may kinalaman sa komunikasyon.

Sa pahayag na iyan, tila binabantaan na rin ang buong­ mundo na hindi puwedeng mawala ang Huawei sa indus­triya ng telokomunikasyon. Higanteng kompanya na nga ang Huawei para magbanta ng ganyan. Puwede nga ba silang pagkatiwalaan, o tama lang na may pag-aalinla­ngan kapag sila ang suplayer ng teknolohidad? Tama ba ang ilang bansa na binansagan na silang “blacklisted”, o patas lang na patunayan na panganib nga sila sa seguridad? Dapat tama ang magiging desisyon ng Senado.

vuukle comment

RALPH RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with