EDITORYAL - TAKAW-aksidente ang ‘Angkas’
(Pilipino Star Ngayon) - December 19, 2018 - 12:00am

KAHAPON, mayroon na namang naaksidente habang nagmomotorsiklo sa Maynila. Big­lang sumulpot ang motorsiklo sa left lane at nahagip siya ng isang pribadong sasakyan. Kamakalawa, isang motorcycle rider ang pumailalim sa isang ten-wheeler truck. Hindi nakita ng truck driver ang motorsiklo na biglang sumingit para mag-U-Turn.

Marami pang insidente ang nangyari. Halos araw-araw, mayroong bumabanggang motorsiklo. Pinakamataas ang insidente sa motorsiklo. Kaya, tama lamang ang desisyon ng Supreme Court na mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) para ipatigil ang pagyaot ng Angkas Riders­. Hindi dapat payagang makabiyahe ang mga ito. Dapat namang ipatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paghuli sa mga Angkas na patuloy na lumalabag sa kautusan ng SC. Kapag may nangyari sa kanilang pasahero, malaki ang sagutin nila. Hindi nila dapat balewalain o suwayin ang utos. Malaki ang kinakaharap nilang parusa kapag may nangyari sa kanilang iniaangkas. Hindi nila puwedeng ikatwiran na kulang ang mga pampasaherong sasakyan kaya sila nagpapaangkas. Hindi rin katwiran na mas mabilis silang nakararating sa patutunguhan kahit trapik.

Noong Linggo, nag-motorcade ang Angkas­ Riders sa EDSA bilang protesta sa TRO ng SC at ganundin sa malaking plaka na balak ilagay sa unahan ng motorsiklo. Nag-motorcade ang may 1,000 riders na karamihan ay nagsabing hindi makataru­ngan ang TRO at paglalagay nang mala­king plaka. Ayon din sa kanila, marami ang mawawalan ng hanapbuhay dahil sa TRO. Dito lamang umano sila kumukuha ng ipinangsusuporta sa kanilang pamilya.

Mas makabubuti kung susundin ng Angkas ang batas. Tanggapin ang desisyon ng SC. Dapat din namang isipin ng ilang pasahero na nasa panganib ang kanilang buhay sapagkat takaw-aksidente ang motorsiklo. Tandaan: Huwag isapalaran ang buhay sa Angkas.

ANGKAS­ RIDERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with