^

PSN Opinyon

Road Board

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LUMALABAS na ang pera mula sa Road Board ang tunay na dahilan sa alitan sa pagitan ng ilang miyembro ng Kongreso at ni Budget Sec. Benjamin Diokno. Ito ang pahayag ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez­. Ang Road Board ang may hawak ng mga buwis­ na kinokolekta mula sa lahat ng nagpaparehistrong sasakyan, ang Road Users Tax o Motor Vehicle User’s Charge (MVUC). Makikita ito sa OR ng mga sasakyan. Bilyon ang laman ng MVUC, kaya ito umano ang pinag-aagawan. Kaya nais itong buwagin na ng Senado dahil nagiging sanhi lamang ng korapsyon.

Dito umano kinukuha ang pondo para sa mga proyekto sa kalsada, na ayon kay Alvarez ay matitindi ang pina­patungang presyo. May kasabwatan daw ang Road Board at ilang miyembro ng Kongreso para makuha ang sobra-sobrang ipinatong sa mga proyekto mula sa mga kilalang kontraktor. Bubuwagin na sana ang Road Board pero binawi raw ito ni House Speaker Gloria Arroyo, kaya hindi na alam ang estado ng nasabing ahensiya.

Kung pinagmumulan nga ng korapsyon ang pondo mula sa Road User’s Tax, dapat na ngang buwagin ang Road Board. Pero sino na ang hahawak ng MVUC na kinokolekta pa rin mula sa mga motorista? Bakit binawi ni Arroyo ang pagbuwag sa Road Board? Dahil ayaw ng mga kaalyado? At bakit ngayon lang nagsasalita si Alvarez tungkol sa Road Board, kung marami siyang pahayag ngayon?

Si President Duterte lang ang may huling salita hingggil sa Road Board. Hinihikayat na nga ni Sen. Franklin Drilon na aksyunan na ni Duterte ang Road Board, lalo na’t pinagmumulan pala ng korapsyon. Kung bilyun-bilyon ang nakokolekta ng Road Board, hindi malayong isipin na may mga nagsasamantala. Matagal nang isyu ang Road Board na iyan, kaya dapat nang aksyunan kung seryoso talaga si Duterte na labanan ang korapsyon sa gobyerno.

vuukle comment

BENJAMIN DIOKNO

ROAD BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with