Legal na anak o anak ng kabit? (Unang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2018 - 12:00am

PINAPANGALAGAAN ng ating batas ang kapakanan ng mga bata at sinisigurong may legal na proteksyon sila pagkatapos ipanganak. Sa kaso ng pang-aabuso sa mga bata tulad ng kustodiya, edukasyon at ari-arian­ nila, inaatasan ang mga institusyon ng gobyerno na magsagawa ng karampatang imbestigasyon alin­sunod sa UN Convention on Rights of the Child, PD 603, Section 8). Ito ang ginamit sa kaso nina Harry at Jessica­.

 

Isang taon matapos magpakasal nina Harry at Jessica ay ipinanganak nila si Zander. Sa kamalasan, hindi nagtagal ang kanilang kasal. Nagsampa ng petisyon si Harry para mapawalang-bisa ito dahil sa bigamy. Bago raw sila nagpakasal ay kasal na pala si Jessica kay Niko sa loob ng siyam na taon at nalaman niya na buhay pa ang lalaki at nakatira lang sa isang subdi­vision malapit sa kanila.

Hindi itinanggi ni Jessica na nagpakasal siya kay Niko noong 20-anyos pa lang siya. Pero peke raw ang kanilang kasal at hindi naman sila nagsama. Ayon sa korte ay legal pa rin at may bisa ang kanilang kasal. Kaya ang kasal niya kay Harry ang ipinawalang-bisa dahil nga “bigamous” ito. 

Bilang resulta ay naging anak sa labas o putok sa buho si Zander. Humingi ng rekonsiderasyon si Jessica sa korte patungkol sa visitation rights ni Harry. Hiniling niya na tanggalan ng visitation rights o karapatan na madalaw ni Harry ang anak.

Gusto rin niya na alisin ang apelyido ni Zander at isunod na lang sa apelyido niya sa pagkadalaga. Kinon­tra ni Harry ang gusto ni Jessica at ipinaglaban­ ang kanyang visitation rights at karapatan na maga­mit ng anak ang apelyido.

(Itutuloy)

UN CONVENTION ON RIGHTS OF THE CHILD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with