MRT-3 rehab: Bumili na lang ng bagong tren
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2018 - 12:00am

NAGMAMALAKI ang DOTr. Matapos daw ang 26 na buwan, parang bago na uli umano ang MRT-3 commuter railway. Kabulaanan ‘yan.

Itinayo ang MRT-3 nu’ng taong 2000; halos 19 taon na ito ngayon. Makalipas ang 26 pang buwan, mahigit 21-anyos na ito. Ano mang overhaul ang gawin sa 72 na orihinal na bagon, luma pa rin ito. Wala itong pinagka­iba sa kotse, eroplano, o barko. Kahit ayusin mo ang makina at palitan ang components, vintage pa rin ang dalawang dekadang sasakyan. Napag-iwanan na ng panahon ang teknolohiya.

Mas mabuting bumili na lang ng 72 bagong bagon ang MRT-3. At sa pang-rehab na budget nitong P18 bilyon, kakayanin ‘yun.

Maaalalang P7.5 bilyon lang ang orihinal na rehab budget na prinisenta ng Metro Rail Transit Corp. at Sumitomo sa DOTr nu’ng 2016. Itinaas ito ng DOTr sa P18 bilyon nitong Nob. 2018. Walang paliwanag ang DOTr sa P10.5-bilyong dagdag-presyo.

Sa orihinal na P7.5 bilyon ay kasama na ang pagpa­palit ng riles at catenary, pag-ayos ng mga istasyon, at overhaul ng 72 lumang bagon.

May sobrang P10.5 bilyon sa kasalukuyang inutang ng DOTr na P18 bilyon para sa rehab. Ang halaga ng bagong bagon na gawang Korea ay P100 milyon, at ang gawang Europe ay P150 milyon.

Kung gawang Europe ang bibilhin ng DOTr, P150 milyon x 72 bagon ay P10.8 bilyon ang magagasta. Aba’y magkakaroon ng 72 bagong bagon ang MRT-3 -- at may bagong overhaul pa na 72 lumang units.

Sa gan’un karaming bagon -- 144 -- magagawang apat imbes na tatlong bagon lang kada tren. At mapapalimit ang pagitan ng bawat tren.

Hay, naku! Kung sana ay kapakanan ng mamamayan ang iniisip ng DOTr imbes na kickback ay mapapabuti nito ang MRT-3.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

MRT
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with