^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ganda at talino ng Pinay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ganda at talino ng Pinay

HINDI matatawaran ang ipinakitang talino ni Catriona Gray kahapon na naging daan para makuha ang Miss Universe crown na ginanap sa Bangkok, Thailand. Ganda at talino niya ang nanaig para umangat sa mahigit 91 kandidata mula sa iba’t ibang bansa. Siya ang ikaapat na Miss Universe ng bansa.

Sa simula pa lamang nagpakita na ng tiwala sa sarili si Catriona. Nakita ito sa kanyang mga kilos. Positibung-positibo ang dating niya kaya malaki ang paniwala ng mga Pinoy na iuuwi niya ang korona. Nakatulong din sa pagiging confident ni Catriona ang suporta ng mga kababayan. Sa bawat pagtawag kay Catriona, nagsisigawan ang mga Pinoy na nasa venue. Kitang-kita rin ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas at iyon marahil ang nagbigay ng lakas at tiwala kay Catriona­ para mahusay niyang masagot ang mga tanong.

 

Napakatalino niyang sumagot sa mga tanong. Alam na alam niya ang isyu kaya walang kaduda-duda na siya ang pinakamatalino na dapat tanghaling Miss Universe. Kabisadung-kabisado niya ang larangan na pinasok.

Maraming pinasayang Pilipino si Catriona. Kahapon, sandaling tumigil ang inog ng mundo. Maluwag ang mga kalsada. Walang trapik sapagkat lahat ay nanonood. Walang ipinagkaiba sa panahong may laban din si Manny Pacquiao na lahat nang Pilipino ay nakatutok sa pano­nood.

Ipinakita ni Catriona sa mundo ang power ng mga kababaihan. Ipinamalas niya na ang mga Pinay ay may kakayahan. Minsan pa, ipinamalas niyang ang mga Pilipina ay may determinasyon.

Inaasahang matutupad ang adbokasiya ni Catriona na makatulong sa mga mahihirap at higit sa lahat sa mga batang pinagkaitan ng kapalaran. Ang pagbibigay ng pag-asa sa bawat isa ang kanyang gustong maisakatuparan.

Mabuhay ka Catriona!

Related video:

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with