^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga lumang truck, walisin na sa kalsada!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga lumang truck,  walisin na sa kalsada!

SUNUD-SUNOD ang insidente ng mga truck na bumabangga dahil nawalan ng preno. Noong Biyernes, isang lumang truck ang nawalan ng preno sa Mindanao Avenue, Quezon City at sumampa sa center island. Wala namang namatay at nasaktan pero nagdulot ito nang matinding trapik sa lugar. Isa pang truck ang nawalan ng preno sa NLEX at bumangga sa pader na naging dahilan ng pagkahulog ng mga karga nito. Nagdulot nang matinding trapik ang insidente.

Noong nakaraang linggo, isang 10-wheeler truck ang umararo sa isang apartment, bakery at 20 sasak­yan na ikinamatay ng anim na pasahero at ikinasugat ng 14 na iba pa sa Sta. Rosa, Laguna. Kabilang sa mga namatay ang isang sanggol. Ayon sa mga nakasaksi, napakabilis ng takbo ng truck. Galing umano ang truck sa Tagaytay at patungo ng Sta. Rosa para magdeliber ng construction materials. Kahit umano pa-zigsag ang kalsada sa lugar, mabilis pa rin ang pagpapatakbo ng drayber. Hanggang sa isang kurbada ay nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber.

Sabi ng mga residente, nagising na lamang umano sila sa lakas ng pagbangga. Nang kanilang tingnan, wasak na wasak ang truck at ganundin ang mga binangga nito. Nahirapan namang alisin ang mga naipit sa nawasak na bakery na noon ay kasaluku­yang natutulog. Isinugod sila sa ospital subalit ang iba ay dead on arrival na dahil sa matinding sugat na natamo.

Tumakas naman ang drayber at hanggang nga­yon ay hinahanap pa ng mga pulis. Ang pahinante ng truck ay sumuko na. Sabi ng may-ari ng truck, sasagutin nila lahat ang gastusin ng mga namatay at mga nasugatan.

Marami nang insidente na sangkot ang mga truck na nawalan ng preno at umararo sa mga bahay na ikinamatay ng mga tao. Kahit 15 o 20 taon na ang mga truck ay ginagamit pa kaya perwisyo ang dulot. Kahit sunud-sunod ang malalagim na insidente, patuloy pa rin ang pagyaot ng mga truck ni Kamatayan.

Walisin na sa kalsada ang mga perwisyong truck. Huwag magbulag-bulagan ang LTFRB at LTO sa problemang ito. Huwag nang payagan na mare­histro ang mga lumang truck. Huwag nang dagdagan pa ang malalagim na trahedya. Naniniwala kaming may corruption sa likod nito kaya patuloy sa pagpasada ang mga truck ni Kamatayan.

vuukle comment

ACCIDENT

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with