MRT-3 rehab: Detalyehin n’yo ang P18-B budget
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2018 - 12:00am

HINDI pa rin maipaliwanag ng DOTr kung bakit ito umutang ng P18 bilyon na pang rehabilitate sa MRT-3 commuter railway. Mamamayan ang magbabayad ng utang na ‘yon sa Japan International Cooperation Agency. Utos sa Konstitusyon na maging transparent ang gobyerno sa lahat ng transaksiyong pampubliko. Walang katuwiran ang DOTr na ilihim sa taumbayan ang detalyes. Magkano sa P18 bilyon ang mapupunta sa pagpapalit ng riles, upgrade ng overhead catenary, pag-aayos ng depot, at pag-overhaul at mentena ng 72 orihinal na bagon.

Lumalabas na may P10.5-bilyong overprice ang P18-bilyong budget sa MRT-3 rehab. Ito’y kung ikukumpara ang presyo sa dating offer ng Metro Rail Transit Corp., ang pribadong kumpanyang nagtayo at may-ari ng MRT-3 hanggang taon 2025. Nu’ng 2016, matapos laspagin ng dating DOTr at mga palsipikadong taga-mentena ang MRT-3, nagkasundo ang MRTC at orihinal na maintenance contractor Sumitomo na i-rehab ito sa halagang P7.5 bilyon. Inilahad nila ito sa DOTr sa tatlong liham. Dinedma lang sila ng mga “bagong” promote sa DOTr na bata-bata ng luma.

Nu’ng Mayo 2018, biglang inanunsiyo na lang ng DOTr na ipapa-rehab nila ang railway. Pero ang halaga ay P17 bilyon na. At nitong Nob. ay tumaas pa sa P18 bilyon ang inutang ng DOTr sa Japan.

Kahina-hinala ang pagtatago ng DOTr ng detalyes. Bakit ayaw nito sabihin kung magkano ang pag-overhaul ng bawat bagon? Natatakot ba silang mabisto na mahal dahil may kickback ang kontrata?

Totoo bang ang budget nila ay P75 milyon kada overhaul, o kabuoang P5.4 bilyon para sa 72 bagon? Kung gan’un ay overpriced nga, at malamang na may kickback. Aba’y kung doblehin mo sa P150 milyon ang budget ay makakabili ka na ng bagong bagon. Maging totoo lang!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

MRT-3
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with