^

PSN Opinyon

Ang kalembang ng kampana ng Balangiga

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko mapigilang mapaluha nang sa unang pag­ka­kataon ay aking narinig ang kalembang ng kampana ng Balangiga nang ito ay pinatunog ni Pres. Rodrigo Duterte sa turnover rites sa nasabing bayan ng Samar kahapon ng hapon.

Ang sarap pakinggan ang unang mga kalembang ng kampanang naibalik na rin sa Pilipinas pagkatapos ng 117 taon. 

Nakaka-proud maging Pilipino at pinanin­digan nating­ maibalik ang simbolo ng kabayani­han ng ating­ mga ninuno, ang mga taga-Balangiga, Samar.

Ayon nga kay President Duterte walang sinumang nararapat na bigyan ng credit sa pagbabalik ng tatlong kampana ng Balangiga sa bansa.

Sinabi nga ng Presidente, “Salamat America, salamat mga Pilipino at naibalik na ang mga makasaysayang kampana.”

At sa unang araw ng Simbang Gabi ngayon, ang maririnig sa bayan ng Balangiga ay ang kalembang ng tatlong kampanang umuwi sa pinanggagali­ngan nito pagkaraan ng 117 taon itong nasa kamay ng mga Kano.

vuukle comment

BALANGIGA BELLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with