‘Bobotantes’? Magdaos tayo ng mock election (2)
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2018 - 12:00am

ISANG paraan ng national mock election ay sa pamamagitan ng distrito. Hihirang ng sampung mamamayan sa bawat 255 distrito, o kabuoang 2,550. Para suma­lamin sa populasyon, tig-kalahati sa kanila ay lalaki’t babae, at millennials na isinilang makalipas ang 1980 at “lolo-nials” bago nu’n. Lima mula income class D-E, tatlo sa C, at dalawa sa A-B. Dapat neutral lahat at walang ka­mag-anak, katrabaho, o kasosyong kandidato. Kikila­tisin nila ang mga kandidato batay sa LASER: Lifestyle, Aksiyon, Supporters, Election conduct, at Reputasyon (nasa Sapol, 11 Dec. 2018).

Hihingan ang mga kandidato ng panukat ng LASER. Tulad ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth, tagapondo, at plano at aktuwal na gastos sa kampanya sa cutoff submission date.

Sa takdang araw, isang buwan bago ang Halalan 2019, boboto ang 2,550 sa mock election. Iaanunsiyo ang resulta. Ipapa-cover sa media.

Isa ring paraan ang estilo sa America. Pinaka-ma­tanda, malawak, at epektibong voter education ang Na­tional Student/Parent Mock Election. Milyun-milyong estud­­­yante at ilang mga magulang nila ang boboto sa mga eskuwela. Naikalat na dapat ang mga papeles, at napag-aralan na ang mga kandidato at plataporma, na­plano ang headquarters, at tabulations. Imbitado rin ang press sa botohan.

Mga sampung araw bago ang Halalan, boboto ang kaba­taan sa mock election. Ibo-brodkast at ipapaskel online ang mga resulta.

Kung gagawin ito sa Pilipinas, maaaring ipahawak sa pambansang samahan ng student councils at college editors. Dahil tinitingala ng mag-aaral ang mga atleta, ma­aring mamuno ang alumni ng UAAP. Sumali rin ang civic clubs, at lider ng mga Katoliko, Protestante, Evangelicals, at Muslim. Mahalaga na maipaabot ang tinig ng kabataan, dahil sila ang magmamana ng kinabukasan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

2019 MIDTERM ELECTIONS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with