^

PSN Opinyon

Martial law ad infinitum

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SALUDO ako sa mga magigiting na mambabatas sa Senado at Mababang Kapulungan na nanindigan laban sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao. Kaso, wagi ang mga sumuporta sa kahilingan ni Presidente Duterte na palawigin pa ng isang taon ang batas militar. Hindi pa raw kasi tapos ang problema sa rebelyon. Kung ang pananatili ng banta ng rebelyon ang basehan ng martial­ law, hindi na ito matatapos dahil never naman na nawala ang banta ng rebelyon sa bansa. Martial law ad infinitum, sabi nga ng isang Kongresistang tumututol sa extension.

Napapailing ako habang nakikinig sa pambabara ni House Speaker Gloria Arroyo sa paliwanag ng mga mambabatas na tutol sa extension. Nasisira tuloy ang kani­lang train of thought at hindi nagagawang tapusin ang paliwanag.

Magkakapareho ang depensa ng mga mambabatas na tutol sa extension. Ayon kina Sen. Franklin Drilon, Rizza Hontiveros at Rep. Gary Alejano, hindi na naaayon sa Konstitusyon ang sobrang pagpapalawig ng martial law.

Anang Konstitusyon, ang batas militar ay panandaliang solusyon lang sa problemang rebelyon at hindi maaaring palawigin o ideklara kung walang nangyaya­ring aktuwal armadong pag-aaklas. Nang unang ideklara ni Presidente Duterte ang martial law sa Mindanao, balido­ ang rason. May pananalakay na ginawa ang mga tero­ristang Maute sa Marawi. Ngunit ideneklara nang tapos ang pananakop ng mga terorista sa Marawi kaya kahit ang unang extension nito ay hindi matatawag na legal.

At kung isantaon pang iiral ang martial law sa Min­danao, masasaklaw ang nalalapit na midterm elections at naririyan ang tukso sa panig ng administrasyon ng gamitin ang batas militar para mandaya sa eleksyon at manalo ang mga kandidato ng administrasyon. Iyan ang pangamba ni Sen. Hontiveros. Ganyan kasi ang nangyari noong panahon ni dating Presidente Marcos.

Marami ang nangangamba na unti-unting  ipinapailalim sa batas militar ng administrasyon ang buong bansa.  Kung totoo man o hindi ito, dapat maging mapagmatyag ang mga mamamayan para mapigilan ang ano mang posibilidad na maideklara muli sa buong bansa ang batas militar.

vuukle comment

GLORIA ARROYO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with