^

PSN Opinyon

Binababoy na kalagayan ng Baguio, ngayon lang napansin?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Unti-unti, nakakatawag na ng pansin sa media ang kala­gayan ng nabababoy na Baguio City. Talaga ba, nga­yon n’yo lang napansin?!

Simula noong 2010 pa lang, hindi pa ganito kalala ang sitwasyon sa Baguio, nagbigay babala na ako sa maaaring kahihinatnan ng parumi nang siyudad. Nang mga panahong ‘yun, madalas pa akong magbakasyon sa Baguio lalo na sa mga araw ng kapaskuhan at sa makailang beses nang operasyon ng BITAG,  nilalapitan na lang akong bigla ng mga residente.

“Patulong kami Mr. Tulfo, dumadami na po ang sindikato ng mga agaw-lupa”. Sabi ko sa sarili ko noon, bakit ako ang pinagsusumbungan nila at hindi ang lokal na otoridad at pamahalaan sa Baguio?

Imposible namang hindi ito alam ng mga namumuno sa Baguio. Ano kayong mga pulitiko diyan, mga bulag, pipi’t bingi o sadyang tulog lang sa pansitan?

Ngayon, makikita ang paglaganap ng mga illegal settler. Dahil ito sa mga sindikato ng “agaw-lupa” (land grabbing) sa mga lupain at bundok na nakapaligid sa Baguio. Walang pakundangan ang pagpuputol ng mga puno sa mga bulubundukin sa bukana pa lang ng Baguio. Ang mga naggagandahang pine trees noong araw papasok pa lang ng Marcos Highway at Kennon Road, ngayon ay bulok na bubungan ng mga bahay na mga parang mga kabuting nag-usbungan ang makikita. Kinulayan pa na akala mo’y maganda sa paningin ng mga turista.

Sobrang sikip dahil sa tindi ng trapiko, kumakapal na populasyon at pagdami ng mga establisimento na halos sakupin na ang kalsada. Ang lahat nang ito, epekto ng kapabayaan at katiwalian ng mga nakaraang administrasyon sa lokal na pamahalaan ng Baguio City.  

Iisa ang mukha ng pagsasalaula ng Boracay at ng Baguio City ngayon. Ang mga nasa likod ay mga tiwaling pulitiko at kanilang mga galamay.

Hindi ko binabanatan ang lokal na pamahalaan sa Baguio kundi ginigising ko ang kanilang mga tila natutulog na kamalayan. Dahil kung ang Boracay ay na-rehab noon, dapat ang Baguio ay ganundin.

Kaya sa isang higanteng network diyan na magaling daw sa investigative diaries na ngayon lang napansin ang palalang kalagayan ng pamosong tourist spot sa Norte, siguraduhing tama ang imbestigasyon at report ninyo.

Baka naman kasi matulad kayo sa ipinalabas n’yong istorya sa Zambales noon kung saan pinaglaro ang mga katutubo sa ilog tapos pinalabas na child labor. Tsk tsk tsk

vuukle comment

BAGUIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with