^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Biro sa marijuana

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Biro sa marijuana

BIRO lang ang sinabi ni President Duterte na nag-marijuana siya nang dumalo sa Asian summit noong nakaraang buwan para hindi siya antukin at laging gising. Nang batikusin sa sinabi, sinabi ng Presidente na bakit laging siniseryoso ang kanyang sinasabi. Mabilis din sa pagpapaliwanag ang kanyang mga opisyal at sinabing biro lamang ang pagma-marijuana ng Presidente. Wala raw itong katotohanan, at hindi dapat siniseryoso ang pagbibiro ng Presidente.

Pero iba ang tingin dito ng iba pang mambabatas. Seryoso nilang tinitingnan na ang pagbibirong ito ay isang paraan para buhayin ang pag-legalize sa marijuana bilang gamot. Matagal nang may nakabimbin na panukala na magle-legalize sa marijuana. Nagpapahiwatig ang biro ng Presidente na maaaring maging legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot at hindi para sa pansari-ling gamit.

Marami nang bansa ang nag-legalize sa marijuana hindi lamang para sa ganitong gamot kundi para na rin sa recreation. Kabilang sa mga bansa na legal na ang paggamit ng marijuana para sa pansariling gamit ay ang US, Canada, Australia, Argen­tina, Costa Rica, Germany, South Africa, Spain at Switzerland.

Noon pa ay may pinasa nang panukalang batas para gawing legal ang marijuana bilang gamot pero marami pa rin ang tumututol. Isa sa mga sakit na napapagaling umano ng marijuana ay ang epilepsy. Marami nang nagpapatunay na gumagaling ang epilepsy kapag ginamitan ng marijuana. Sabi ng mga sumusuporta sa Marijuana bill, hindi na raw nila kailangan pang magtungo sa mga bansang legal ang marijuana para ipagamot ang kanilang anak na may epilepsy. Hiling nilang gawing batas na ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Kung ang layunin ng Presidente kaya nagbiro na nag-marijuana siya ay para ma-legalize ito sa bansa, hindi na siguro dapat pang daanin sa biro ang lahat. Seryosong usapin ang tungkol sa marijuana kaya hindi na kailangang magsalita pa nang kung anu-ano. Kung gusto niyang maging legal sa bansa ang marijuana, idaan ito sa mga debate at mga masusing pag-aaral.  Huwag gawing joke ang paghitit ng “damo”.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with