‘Bobotantes’? Turuang kumilatis ng kandidato
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2018 - 12:00am

NANGUNGUNA sa surveys ng Halalan 2019 ang mga tradisyunal, dynastic, at tiwaling politiko. Pinipili ng res­pondents ang popular, imbes na karapat-dapat.

Sana idaan ng botante ang mga kandidato sa LASER test. Suriin sa:

Lifestyle -- Simple ba siya mamuhay, batay sa Kons­titusyon? Meron ba siyang yaman na di ayon sa kanyang suweldo o legal na kita?

Aksiyon -- Subok na ba ang kanyang kakayahan at kung nagsisilbi? Para ba siya sa kapakanan ng nakararami, hindi sa makitid na interes?

Supporters -- Sino ang taga-kampanya at pondo niya? Mako-kompromiso ba siya ng mga ito? Maka-integridad ba ang pamilya niya?

Election conduct -- Sumusunod ba siya sa batas pang­halalan, at gumagalang sa karapatan ng katunggali? O namimili ng boto, labis-labis ang campaign ads, at gumagamit ng pasilidad ng gobyerno?

Reputasyon -- Nasangkot ba siya sa eskandalo? Bukod sa pagsimba at pagdasal sa publiko, may takot ba siya sa Diyos at moralidad?

Maaring dagdagan pa ang mga tanong, anang mga bumuo ng LASER test, sina Fr. Melo Diola ng Cebu, da-ting COA commissioner Heidi Mendoza, at nasirang interior secretary Jesse Robredo.

At maari rin sukatin ng mga kandidato ang sarili sa LASER. Kung bagsak, makonsensiya sana at umatras na lang.

Paano maituturo ang pamantayang LASER sa mga botante. Panukala ni taga-konsiyensiyang Willie Villa­ra­ma, magdaos ng pambansang mock election para masuri ang mga kandidato batay sa LASER. Makikilala, pag-uusapan ang mga kandidatong hindi kilala at kulang sa pondo pero mananalo sa mock election. Magkaka-pagasa tayo.

Maraming anyo ang mock election. Ang importante ay kapani-paniwala at katiwa-tiwala ang tagapalakad. (Sundan sa Biyernes)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

LASER TEST
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with