^

PSN Opinyon

Daming Chinese at Korean na sangkot sa illegal drugs

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAKABABAHALA ang pagdagsa ng mga illegal Chinese sa bansa at dapat nang umaksyon ang Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration. Nasasangkot na ang mga illegal Chinese sa on line gambling at droga. Malaki rin ang epekto ng mga illegal Chinese sa mga kababayan natin dahil naagawan na sila ng trabaho.

Sunud-sunod ang pagsalakay ni National Capital Region Police Office chief Dir. Guillermo Eleazar kung saan maraming illegal Chinese ang natimbog na nag-ooperate ng on line gaming. May ilang foreign national naman ang nasasangkot din sa ATM scam ang nahuli. Nadakip din ang mga Chinese at Korean national sa pag-ooperate ng shabu laboratory. Anim na Chinese na kumidnap ng dalawang Taiwanese na hindi nakabayad ng utang ang hinuli ng mga pulis sa Las Piñas City. Kinilala ang mga ito na sina  Gou Zhkum, Xiao Tze, Wang Weipping, Ma Zhao, Yang Huang at Lu Xiangquan.

Maging ang mga Koreano ay nasasangkot na rin sa paggawa ng shabu. Natimbog ng Northern Police District sa pangunguna ni C/Supt. Rolando Anduyan ang shabu chemist na si Kim Jong Hee. Maraming shabu ang kayang gawin ng grupo ni Kim sa kanilang laboratory sa isang condominium sa San Juan City.

Dapat kumilos si DFA secretary Teddy “Boy” Locsin at Immigration commissioner Jaime Morente nang masugpo ang ginagawa ng mga Chinese. Dapat doblehin ni Moren­te ang sipag at talas sa pagrebisa ng mga entry visa ng mga ito. Tama rin naman ang paalala ni President Duterte na magdahan-dahan tayo sa pagpatapon at pagtrato sa mga Chinese subalit kung magpapatuloy naman ang pagdami nila at pagkakasangkot sa iba’t ibang ilegal na gawain, dapat na itong tuldukan.

Sa kasalukuyan, hindi na magkandaugaga sa pagkubkob ng mga pinaglulunggaan ng mga dayuhan ang mga tauhan ni PNP chief Dir Gen. Oscar Albayalde at NCRPO chief Eleazar. Pakilusin ni Locsin ang kanyang mga tauhan upang matukoy ang mga kuta ng mga ito. Para sa kaalaman ni Locsin at Morente, ang mga bagong condo sa Parañaque City ay okupado na ng mga Chinese at Korean. Abangan! 

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with