^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hamon sa LTFRB ang mga pasaway na bus driver

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hamon sa LTFRB  ang mga pasaway  na bus driver

NOON pa, problema na ang mga bus na yuma­yaot sa EDSA dahil sa pag-aagawan sa pasahero. Nag-uunahan para makapagsakay nang marami. At dahil dito, ang buhay ng pasahero ang napeperwisyo. Ang mga kawawang pasahero ang naiipit at namamatay. Katulad nang nangyari sa  isang kararating pa lamang ng overseas Filipino worker (OFW) na naipit ng dalawang bus habang naghihintay ng masasakyan sa Guadalupe, Makati City noong nakaraang linggo. Dahil sa matinding pagkakaipit, hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Luis Oracion, 46.

Ayon sa report, naghihintay nang masasakyan si Oracion sa bus loading area nang dumating ang bus na minamaneho ni Dominador Garcia. Sasakay na si Oracion sa bus nang biglang dumating ang bus na minamaneho ni Marion Brioso at dumikit sa bus ni Garcia. Naipit si Oracion na papanhik na sa bus. Ayon sa report, nahirapang alisin ang katawan ng OFW sa pagkakaipit. Sumaklolo ang traffic enforcers ng Metro Manila Development Autho-rity (MMDA) na nasa lugar na iyon. Agad namang nahuli ang driver ng bus na nakaipit at nakakulong na. Reckless imprudence ang ikinaso sa driver. Inamin umano ng driver na nakikipag-agawan siya sa pasahero kaya nagmamadali siya.

Ayon sa report, kararating lamang ng OFW noong nakaraang linggo para dito iselebreyt ang Pasko. Pero dahil sa walang disiplinang bus driver, naputol ang masaya sana niyang pagdiriwang ng Pasko sa piling ng mahal sa buhay.

Kamakailan, isang pasahero ang naputulan ng kamay nang magkadikit at magkasagian ang dalawang bus sa East Avenue, Quezon City. Inamin ng mga driver ng bus na nag-aagawan sila sa pasahero.

Hamon sa LTFRB ang mga pasaway at walang disiplinang bus driver. Bawiin ang kanilang lisensiya at tanggalan ng prankisa ang mga sangkot na bus para hindi na maulit ang nangyari. Nasa panganib ang buhay ng mga pedestrian at pasahero hangga’t nasa kalsada ang mga bus na minamaneho ng mga walang disiplinang driver.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with