Kasi gusto at kaya nilang pumatay
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2018 - 12:00am

MAGSASAMPUNG taon na sa 2019 ang Maguindanao Massacre. Mga babaing kamag-anak at abogado ng isang pulitiko, 33 mamamahayag, at dalawang walang kinalamang sibilyan ang pinaslang. Anang mga imbestigador, pinara ang mga sasakyan nila sa junction ng bayan ng Ampatuan, Maguindanao, ng mga militia ng kalabang angkang pulitiko. Hindi kalayuan doon ang checkpoint ng mga pulis na bata-bata rin ng naturang angkang pulitiko. Pinaliko ang mga sasakyan paakyat ng isang burol. Doon pinababa ang mga sakay. Niratrat sila ng automatic rifles. Ang mga nanatili sa loob ng mga kotse ay binaril. Tapos, ipinatulak sa backhoe ang mga kotse at bangkay sa isang butas, at pinatambakan ng lupa. Lahat ‘yon nagawa ng naghaharing pamilyang pulitiko.

Paano ‘yun nagawa ng angkang pulitiko? Kasi gusto at kaya nilang pumatay. Kasi may mga tauhan sila na inarmasan at binayaran para pumatay. Kasi balewala sa awtoridad ang malimit at gan’un-gan’un lang na pagpatay. Kasi pinamihasa sila ng mataas na pinuno ng gobyerno na daanin lahat sa patayan. ‘Yan ang batas-pulitika sa Pilipinas.

Sana magkatotoo nga ang pahayag ng Malacañang na malapit nang matapos ang paglilitis ng mga nagmasaker sa Maguindanao. Sana mauwi ito sa pagsentensiya sa mga pulitiko’t tauhan na nag-utos at nagsagawa, at mga pulis na nagpabaya sa karumal-dumal na krimen. Sana magsilbing leksiyon ang sentensiya na ang mga kumakatay ng tao ay paparusahan -- kasi gusto at kaya ‘yon ng hustisya.

Problema nga lang, hindi pa lahat ng nakilalang sangkot sa Maguindanao Massacre ay nahuli’t naisakdal. Mara-ming nakapagtago sa tulong ng mga Islamistang rebelde at private armies ng iba pang mga pulitiko. At nagkalat pa rin ang mga baril -- hindi lang sa Maguindanao kundi sa buong bansa -- karamihan sa kamay ng mga pulitiko.

* * *

 Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

MAGUINDANAO MASSACRE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with