Pamana ng pagbibiro?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2018 - 12:00am

MAY hamon si Sen. Trillanes kay Pangulong Duterte. Kung nagbibiro lang siya tungkol sa paggamit ng marijuana, magpa-drug test siya para patunayan sa mamamayan na siya ay hindi isang adik, tulad ng libu-libong napatay na sa kanyang madugong kampanya. Ito ay ma­tapos magpahayag, at bawiin na biro lang, na siya ay gumagamit ng marijuana para manatiling gising noong ASEAN Summit sa Singapore, kung saan hindi siya nakibahagi sa ilang miting dahil natulog at nagpahinga.

Ganito ang Presidente ng Pilipinas. Ayon sa kanya, kung ang kanyang mga pahayag ay katawa-tawa, siya raw ay nagbibiro lang. Pero paano masasabi kung nagbibiro nga o hindi? Ilang pahayag na ang nagmula sa Pre­sidente na katawa-tawa, pero may katotohanan pala? Ang pahayag ba niya na patayin ang mga obispo ng simbahang Katoliko dahil wala silang silbi ay biro rin? Tinitira muli ni Duterte ang simbahan, partikular ang obispo mula Caloocan na kilalang kritiko niya. Hindi talaga kaya ni Duterte ang kritisismo, kahit kanino pa manggaling. At ang kanyang solusyon? Patayin.

Agad nagsalita ang Palasyo at sinabing “dramatic effect” lang ang pahayag ni Duterte. Hyperbole na naman. Pero ilang pari na ang pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte. Paano kung may mga maniwalang mga tauhan na tapat kay Duterte sa kanyang utos na patayin ang mga obispo? “Dramatic effect” pa rin? Iyan na lang talaga ang solusyon ni Duterte sa lahat. Patayin ito, patayin iyan, patayin lahat. Ilang libong bangkay pa ang idadagdag sa kanyang pamana ng pagbibiro?

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, ang nais na mas “malupit” na kampanya kontra iligal na droga ni President Duterte kung saan handa siya sa malawakang karahasan ay hindi pa rin lalabag sa batas. Ito ang pahayag ng pinuno ng hepe ng PNP, at sinabing ganyan lang daw talaga magsalita ang Presidente. Iyan na naman ang paliwanag. Pero ilan na rin ang napatay ng mga pulis sa kampanyang ito, dahil nanlaban. Maa­aring iyan ang opisyal na pahayag ni Albayalde, pero baka may ilan nga riyan na tapat sa Presidente at ipatupad ang kanyang utos. Hindi malayong mangyari iyan at may mga tapat sa Presidente, hindi sa batas.

MARIJUANA RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with