Philippine Coast Guard Hospital kailangan nang itayo
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2018 - 12:00am

SA wakas pinag-usapan na rin at naaprubahan ang ipinanukalang substitute bill sa construction ng Philippine Coast Guard hospital.

Mabuti naman at napag-isipan din ng mga kongresista ng House Committee on Transportation ang pagpapatayo ng PCG hospital.

Amen!

Ang panukalang batas ay naglalayong upang bumuo ng isang ospital para sa mga PCG personnel at ang kanilang mga dependents upang paunlarin ang moral at ka­galingan ng kanyang mga tauhan at magamit ang buong potensyal ng napaka-capable PCG medical corps.

Ang Coast Guard ay hiniwalay mula sa Philippine Navy, ang pribilehiyo ng PCG na ibinigay ng AFP ay natigil, kabilang ang mga medical benefits.

Sa kasalukuyan, ang PCG ay may Coast Guard Medical Service, isang medikal na pagamutan na responsable para sa pagbibigay ng administrative medical requirements nang mga personnel at pagpapatakbo ng mga serbisyong medikal sa panahon ng kalamidad at pandagat na mga insidente.

Ayos pero kulang?

Sabi nga, paano ang kanilang mga pamilya?

Ang iminungkahing ospital ay tatawaging Philippine Coast Guard General Hospital at dapat itayo ito sa Coast Guard Base, Taguig, Lower Bicutan, Taguig City.

Ang isang layunin ng PCG General Hospital ay upang magbigay ng komprehensibo at kabuuang serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan sa lahat ng mga tauhan at mga empleyado ng Philippine Coast Guard, ang kanilang mga dependents at ang retiradong uniformed personnel.

Ika nga, magandang layunin at tulong ito sa pamilya!

Ito rin ay naglalayong upang makadagdag sa mga umiiral na package of services sa ilalim ng health care program kabilang ang preventive, promotive, diagnostic, curative at rehabilitative programs.

Ang target nang ospital ay masubaybayan ang kalagayan ng pasyente at upang bumuo ng mga kaugnay na impormasyon at data sa tulong ng policy information.

Ang isa pang layunin ng PCG General Hospital ay magsagawa ng medikal na pagsusuri sa lahat ng mga trainees ng Coast Guard upang matiyak ang kanilang pisikal at mental na kakayahan.

Ito ay dapat pangasiwaan ng Board of Directors na binubuo ng Kalihim ng Kalusugan bilang Tagapangulo ex-officio chairperson; Secretary of Transportation bilang Tagapangulo ex-officio vice-chairperson; mga komander at Deputy Commandant ng Philippine Coast Guard at Command Surgeon sa Philippine Coast Guard Medical Service pati na mga members.

Dapat!

Ang measures ay nag-uutos ang Board of Directors ng Philippine Coast Guard General Hospital upang bumalang­kas at magpatupad ng mga programa para makamit ang mga layunin ng Philippine Coast Guard General Hospital at bumuo ng isang programa ng patient care at hospital administration.

Dapat maging responsibilidad ng Philippine Coast Guard General Hospital Board of Directors na ayusin ang istraktura ng nasabing ospital alinsunod sa staffing pattern na inaprubahan ng DBM at nagbibigay ng pagsasanay para sa lahat ng mga tauhan ng ospital hanggang sa pinakamataas na propesyonal na antas ng pag-aalaga ng pasyente ay maaaring pananatilihin alinsunod sa mga kinakailangan ng DOH, bukod sa iba.

Tumpak!

Sabi nga, kailangan  tulungan ang PCG General hospital para makatulong din ito sa pamilya ng mga Coast Guard.

Abangan.

PHILIPPINE COAST GUARD HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest