2 PNP officers sinisiyasat
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2018 - 12:00am

SA kahilingan ni Labor Secretary Silvestre Bello, tahimik na nagsisiyasat ang DOJ sa posibleng pagkakadawit ng dalawang police officers na nakadestino sa Bureau of Immigration at dalawang abogado, sa isang sindikato na nasa likod ng pagpapasok sa bansa ng mga illegal 100-libong Chinese nationals.

Mantakin nga naman na nagkaroon ng mga working­ visa ang mga Tsinong ito nang hindi dumaan sa De­part­ment of Labor? At ngayon, inaagawan ng trabaho ang ating mga kababayan?

Ayon sa ating source sa BI ang mga pinasisiyasat ay sina Atty. Alex Recinto, Technical Assistant ni Jess Castro na  Chief of Staff ni BI Commissioner Morente, at isang Attorney Maminta. Sa pagdinig ng Senado kama­kailan, sinabi ng mga Immigration officials na dumalo sa pagdinig na nakapagpalabas ang BI ng special working­ permit (SWP) para sa 119 libong Chinese nationals. Isina­gawa ang pagsisiyasat ng Senate Labor Committee sa pamumuno­ ni Sen. Joel Villanueva. Inaalam ng DOJ ang alegasyon na ang mga 9-G visas ay ipinoproseso sa sangay ng BI sa SM Aura sa halip na sa central office sa Intramuros. Sinasabi na ang dalawang opisyal na pulis ay sinisiyasat din sa posibleng double compensation dahil tumatanggap din ng suweldo mula kay Morente bukod pa sa tinatanggap sa PNP.

Sina Resinto at Castro umano ay naging malapit din noong araw sa dating PNP chief Alan Purisima, na nasuspinde dahil sa katiwalian noong panahon ni Presidente Aquino.

Mahigit dalawang linggo lang ang nakararaan, ang mga police officers na ito ay nakaladkad din ang pangalan sa P5-billion shabu smuggling sa Bureau of Customs.

Si Justice Secretary Guevarra mismo ay naghihinagpis dahil apektado ang kanyang kampanya laban sa mga katiwalian sa kanyang tanggapan  dahil sa hindi maawat na anomalya na kagagawan ng mga sindikato na nambibiktima sa mga dayuhan sa BI. Ngunit kung talagang determinado ang gobyerno sa pagpuksa sa mga katiwaliang iyan, huwag masisiraan ng loob at ituloy lang ang “giyera.”

SILVESTRE BELLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with