^

PSN Opinyon

Hinog sa pilit

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

BATUBATO sa langit, ang tamaa’y huwag magalit. Ganito na lang ang sagot ni Sen. Grace Poe nang maghimutok ang Philippine National Police. Ang hugot ng mga pulis ay kung bakit naman pinalalabas silang masama sa mga kabanata ng No. 1 show sa telebisyon, ang “FPJ’s Ang Probinsiyano”. Nagbanta pa ang Department of Local Government na sasampahan ng kaso ang prodyuser ng palabas, ang ABS-CBN TV network.

 Nangyari ang atungal sa loob nitong mismong buwan kung saan nasangkot ang ilan sa kanila sa kasong palit-puri. Ito ang gawaing pinagsasamantalahan ang kamag-anakan ng arestado, madalas menor de edad, kapalit ng pagpapalaya sa mga ito. May nahuli ring pulis na nanggahasa ng kapwa nila pulis na babae. Yung isa, nagawang paslangin ang kapwa pulis dala ng personal na alitan. At, siyempre, andyan pa rin ang mga pulis na sangkot sa EJK, sa karahasan, sa korapsiyon at pati na rin sa mga minor violation tulad ng pagpapabaya sa presinto o kaya ay hindi pagsunod sa alituntunin ng batas trapiko.

 Sa kabila ng mga patung-patong na kasalanang nagawa ng kanilang mga kapulisan, ang piniling sitahin ng pamunuan ng PNP ay ang isinadulang TV series. Ang dapat nilang pinag-aaksayahan ay tukuyin ang sanhi ng ganitong masagwang gawain. Importante itong maintindihan ng kanilang institusyon nang mapigilan ang patuloy na paglala nito. Walang kabutihang mapapala sa pagpuwersa sa mga kumpanyang walang ginagawang mali at sinasalamin lamang ang karanasan ng lipunan. May mabubuting pulis tulad ng karakter ni Coco Martin, si Kardo. Mayroon ding mga bugok. Kung gusto ng PNP ng respeto, patunayang sila’y karapat-dapat. Ang respetong pinilit lang kunin ay hilaw ding ibibigay.

 Nilalabag din ng ganitong pananakot ang garantisadong laya na makapamahayag ng saloobin. Kapag ipilit ito ng PNP/DILG, para na rin ibinalik ang lipunan sa panahon ng Martial Law. Kontrolado ng estado ang lahat ng media para masiguro na tanging paborable lamang na pag-ulat ang ilalabas kahit gaano ba kabulok ang organisasyon. 

vuukle comment

GRACE POE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with