^

PSN Opinyon

Liwayway A. Rillo, 95

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Nakikidalamhati ang Chief Kuwago sa pagkamatay ng ina ni Maragondon Mayor Rey A. Rillo na si Liwayway Anglo Rillo, 95, na nakaburol ngayon sa kanilang ancestral home sa Bucal 1, Maragondon, Cavite.

Sa Sabado ang cremation ni Liwayway pagkatapos ng misa.

Nakikiramay din sina Denden Binsol, Malou Panganiban at Billy Cadang.

Ang Balangiga

KINATUWA ni Ka Ma. Roja Banua, tagapagsalita ng NDF - Bikol, na mababalik na sa Philippines my Philippines ang mga kampana ng Balangiga na ninakaw ng mga kano may 100 taon na ang nakakaraan.

Buti naman!

Kaya naman nakikiisa ang NDF-Bikol sa tagumpay ng madlang Pinoy sa paggigiit na maibalik ang mga kampana ng Balangiga mula sa siglong pagkulimbat ng imperyalistang US of A noong sakupin nito ang Philippines my Philippines.

Nakatakdang ibalik ang mga kampana ngayong buwan. 

Ang malakas na anti-imperyalistang kilusang masa ang nagbunsod ng tagumpay na ito. 

Muling pinatunayan na ang nagkakaisang lakas ng sambayanan ang muog na buong makapagpapayukod sa anumang puersa ng reaksyon maging ang imperyalistang kapangyarihan.

Ang mga kampana ng Balangiga ay ginawang tropeyo ng kabagsikan ng imperyalistang agresyon, pandarahas at pandarambong ng Estados Unidos laban sa mga mamamayan ng daigdig. 

Inilarawan nito ang panunupil ng imperyalistang US sa makatwirang pagbabalikwas ng madlang Pinoy laban sa imperyalistang pananakop. 

Tinataguriang mga rebelde o insurgents na marapat parusahan o patayin ang masang nangangahas lumaban. Subalit pinatutunayan din nito ang makasaysayang pag-aalsa ng sambayanan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Noong 1901 nang maganap ang brutal at marahas na masaker sa Balangiga. Dalawang taon matapos magsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano. Sa atas ni Hen. Jacob Smith, pinagbabaril ng mga tropang Amerikano ang lahat ng madlang Pinoy sampung taong gulang pataas at may kakayanang humawak ng armas. 

Ninakaw ang mga kampana matapos sunugin ng US ang buong bayan. 

Ito ang ganti ng tropang kano sa makasaysayang reyd ng mga Pilipinong gerilyang tinawag na Pulahanes at pag-aalsa ng mamamayan sa bayan ng Balangiga upang ipagtanggol ang isla ng Samar laban sa mga dayuhang mananakop. 

Nagsilbi ang mga kalembang ng kampana ng Balangiga bilang hudyat ng mga Pilipinong gerilya sa pagsalakay. Ang pag-aalsa sa Balangiga ang isa sa mga pinakamatagumpay na paglaban ng madlang Pinoy, partikular ng masang Samarnon, laban sa kolonyalismo at pananakop ng US. 

Ang armadong paglaban ng mga Pulahanes sa Samar at sa iba pang probinsya ng Bisayas ay kabilang sa pambansang pagsusulong ng rebolusyon ng madlang Pinoy sa pangu­nguna ng masang anakpawis para sa pambansang paglaya. 

Sa Luzon, nagpatuloy ang masang Bikolnon sa paglulunsad ng armadong pakikibaka hanggang 1903 kahit sa kabila ng pagsuko ng kanilang lider na si Simeon Ola. 

Samantala, sa pamumuno ni Macario Sakay, ipinagpatuloy ng Timog Katagalugan ang pakikibaka magmula 1902 hanggang 1906. Gayundin ang paglagablab ng armadong paglaban ng mamamayan ng Mindanao, partikular ng masang Moro, magmula 1902 hanggang 1916. 

Kinaharap ng imperyalistang US ang pag-aalsang Hassan noong 1903-1904; rebelyong Usap ng 1905; rebelyong Bud Bagsak noong 1913 at ang rebelyong Bud Dajo noong 1906. Sa harap ng kanilang pagkabigong supilin ang mapanlabang diwa ng mamamayang Moro, inilunsad ng tropang Amerikano ang pinakamadugo at pinakamarahas na pagmasaker. 

Ayon mismo sa isang heneral ng US, umabot sa 600,000 masang mandirigma at sibilyan, o 1/6 ng populasyon ng buong Luzon, ang pinatay ng mga dayuhang mananakop. 

Ipinatupad ng imperyalistang US ang walang kaparis na brutalidad ng genocide o walang pakundangang pagpaslang. Kasabay nito, tinortyur ang mga nahuling gerilyang Pinoy, ginahasa at pinagsamantalahan ang mga kababaihan, winasak ang mga kabahayan at ari-arian ng masa. 

Ilan sa mga tipo ng tortyur na ginamit ay ang water cure at rope torture. 

Nagtayo rin ng mga kampo at kinontrol ang paglabas-masok ng masa sa kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng hamleting.

Ipinasa ng imperyalistang US ang The Sedition Law of 1901, Brigandage Act of 1902 at ang Reconcentration Act of 1903 upang bigyang-matwid ang karahasan ng militar at ang panunugis sa mga rebolusyonaryo. 

Tinaguriang bandido ang mga rebolusyonaryo at makabayang puersa.

vuukle comment

BALANGIGA BELLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with