^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Grabeng trapik dahil sa lumang trucks

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Grabeng trapik dahil  sa lumang trucks

MALUBHA ang trapik sa Manila port area. Walang araw na hindi trapik sa lugar. Lalong nagtrapik nang pumasok ang “ber” months. At walang ibang dahilan ng trapik sa port area kundi ang malalaking truck na labas-masok sa pier. Apektado ng trapik ang malalaking kalsada sa Maynila gaya ng Roxas Boulevard, Finance Road, Taft Avenue at iba pang kalsada sa Intramuros at maging sa paligid ng Manila City hall.

Kapag humambalang ang truck sa Bonifacio Drive, tapos na ang lahat dahil maski motorsiklo, hindi makakasingit. Noong Huwebes, muling nakaranas ng grabeng trapik ang motorista sapagkat naghambalang ang malalaking truck sa paligid ng Anda Circle. Hindi gumagalaw ang mga malalaking truck kaya hindi makadaan ang mga lalabas at papasok sa port area.

Apektado ang mga pampasaherong dyipni at iba pang PUVs na galing ng Quiapo dahil hindi makatawid sa Anda Circle. Ang resulta, maraming pasahero ang na-stranded. Maraming inabot ng gabi sa paghihintay ng masasakyan at mayroong madaling araw na nakauwi.

Hindi sapat ang mga nagtatrapik na pulis sa lugar dahil sa rami ng mga sasakyang tila nag-uunahan na makalusot. Ang resulta, lalo pang nagkabuhul-buhol. Nawalan na ng disiplina ang marami dahil sa pagnanais na makauwi.

Pero ngayong araw na ito, inaasahang luluwag sa Manila port area at iba pang ruta ng mga truck sa Maynila. Dahil ito sa anim na araw na truck holiday. Wala munang truck mula ngayon. Ito ay bilang protesta ng mga grupo ng Customs brokers at truckers­ sa balak na pag-phase-out ng Department of Transportation sa mga truck na 15 taon pataas.

Sabi ng Alliance of Philippine Brokers and Truckers Association, ang pag-phase-out sa mga lumang truck ay magiging dahilan nang pagkawala ng trabaho ng mga maliliit na driver at iba pang empleyado. Ang makikinabang lamang umano sa pag-phase-out ay ang malalaking shipping companies.

Maaaring may katwiran ang grupo pero dapat na lang talagang alisin sa kalsada ang mga lumang truck. Bukod sa mapanganib dahil nawawalan ng preno, ang mga ito rin ang tumitirik sa kalye at nagdudulot ng trapiko. Mainam ang truck holiday para lumuwag ang kalye.

vuukle comment

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with