^

PSN Opinyon

Partido balewala sa personalidad

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANO ang partido ng presidente? Sa ibang bansa ay ma­sa­sagot agad ng bata ang tanong na ‘yan. Sa Pilipinas mapapaisip muna nang matagal maski ang eksperto sa pulitika. Nagwaging President nu’ng 2016 si Rodrigo­ Duterte bilang kandidato ng PDP-Laban, na tinatag nu’ng 1981 para labanan si diktador Marcos. Pero namuno si Duterte ng dalawang partidong pang-rehiyon nu’ng siya’y mayor ng Davao City. Nu’ng maging Pangulo siya, ginawa siyang chairman ng PDP-Laban. Nagsisali ang mga kongresista sa partido at nakialyansa ang mara­ming senador. Naging Senate President si PDP-Laban president Koko Pimentel at Speaker si party secretary general Pantaleon Alvarez.

Sa Pilipinas hindi plataporma ng partido kundi perso­nalidad ang batayan sa botohan. Mas sikat, mas ma­la­mang manalo. Kaya lamang ang showbiz, sports, at media celebrities. Halimbawa sina Erap Estrada, Manny Pacquiao, at Loren Legarda. Lamang din ang galing sa political dynasties na matunog ang apelyido. Halimbawa si Bam Aquino, na pamangkin at pinsan ng dalawang Presidente. Pinaka-lamang ang celebrity na political scions­ pa. Halimbawa sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla (parehong sakdal ngayon sa plunder).

Tatlong Presidente ang nagtayo ng sari-sariling partido. Si Fidel Ramos ay Lakas-NUCD, si Erap Estrada ay PMP, si Gloria Arroyo ay Kampi. Wala na halos kasapi ang tatlong partido kundi mga janitor sa headquarters nila. Bago makamit ni Arroyo kamakailan ang Speaker­ship, siyempre sumapi muna siya sa PDP-Laban ni Duterte.

Katawa-tawa na si Duterte na maka-Marcos ay chairman ng PDP-Laban na lumaban kay Marcos. Ayaw gawing miyembro si senatorial aspirant Imee Marcos ni president Pimentel at sec-gen Alvarez. Walang problema. Sumapi si Imee sa Hugpong ng Pagbabago, regional party na tinatag ng anak ni Duterte na si Davao City mayor Sara Duterte Carpio.

Masaya ang halalan kasi ang party ay para sa sayawan at kainan.

vuukle comment

PDP-LABAN

RODRIGO­ DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with