^

PSN Opinyon

Ang pikon talo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAKASUHAN daw ng DILG ang mga prodyuser ng popular­ na teleserye sa telebisyon na Ang Probinsyano.

Ito’y matapos umalma si Philippine National Police Chief, Director General Oscar Albayalde na binibigyan ng masamang batik ng naturang palabas ang Philippine National Police. Partikular na pinuna ng Chief PNP ang karakter ng hepe ng pulis na si General Tirante na inilalarawan na ubod ng sama.

Matagal ko nang sinusubaybayan ang dula na ito na pinagbibidahan ni Coco Martin pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na ito’y nakasisira sa imahe ng PNP. Ito ay isang kathang isip lang na binibigyan ng napakalinaw na pagpapaliwanag sa umpisa pa lang ng palabas. Napakaganda ngang pangmulat-kaisipan ng teleserye para ang mga bumubuo ng pulisya ay ma­ging maingat sa kanilang pagganap sa tungkulin nang hindi maihambing sa mga karakter na bumubuo sa Ang Probinsyano.

Kung may dapat unang magalit sa palabas, ito’y walang iba kundi si Pangulong Duterte sapagkat higit na napakasama ng Presidente rito na ginagampanan ni Edu Manzano, na kahit alam niyang buhay pa ang tunay na Pangulo na si Oscar Hidalgo, ipinalabas niya at ng kanyang mga kakutsaba na ito’y napatay sa engkuwentro sa mga Vendeta.

Ano naman ang puwedeng ikaso sa Ang Probinsyano? Ito raw ay ang illegal na paggamit ng mga insignia at uniporme ng pulisya na ipinagbabawal ng batas. Mababaw. Natitiyak ko na kung ang ginawa ng palabas na ito sa umpisa pa lang ay purihin ang pulisya, hindi lulutang ang kontrobersyang ito.

Sa aminin o hindi, mahal ng taumbayan ang teleser­yeng ito kung kaya umabot ng tatlong taon sa himpapawid at sa kaunting pahimakas lang na ito’y tatapusin na, marami ang umaalma. Huwag sanang pikon ang ating mga awtoridad kung hindi naman nila ginagawa ang mga katiwalian ng mga karakter sa Ang Probinsyano.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with