^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Giyera vs plakang ‘8’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Giyera vs  plakang �8�

SABI ng Philippine National Police (PNP)-Highway Patrol Group (HPG), gigiyerahin daw nila ang lahat nang sasakyang may plakang “8” ganundin ang mga may commemorative plates. Wala raw silang sasantuhin. Kahit pa raw pulitiko ang nagmamaneho. Bakit ngayon lang? Kung hindi pa nag-viral sa social media ang panununtok ng isang lalaki sa kapwa motorista dahil sa gitgitan sa kalsada sa Angeles City, Pampanga noong nakaraang linggo. Ang lalaking nanuntok ay nakilalang si Jojo Valerio, na ang mimamanehong SUV ay may plakang “8”. Nang maaresto si Valerio sinabi niyang muntik na umano siyang mabangga nang nakaalitang moto­rista. Hindi naman niya inamin kung saan nakuha ang plakang “8”.

Marami nang insidente kung saan nasangkot ang mga sasakyang may plakang “8”. Ang pla­kang ito ay iniisyu sa mga mambabatas. Pero dahil sa pag-abuso ng mga nagmamaneho nito, ipinag-utos ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez noong Agosto 2016 na isauli ng mga mambabatas ang plakang “8” na iniisyu sa mga ito. Isang memorandum ang ipinalabas ni Alvarez ukol dito. Ayon sa memorandum maraming sasakyan na may numero “8” ang nakikita sa mga di-kanais-nais na lugar. Inaatasan ang mga mambabatas na isauli ang mga plaka sa office ng secretary general.

Hanggang ngayon pala, hindi nasunod ang utos ng dating Speaker. Kaya pala bukod sa nasasangkot sa road rage, marami ring sasakyang may plakang “8” ang naiispatan sa parking area ng mga establisimentong may kumukutitap na ilaw. May nakaparada sa harap ng sikat na KTV bar sa Quezon City.

Marami pang insidente ang nai-report na sangkot ang mga sasakyang may plakang “8”. Kabilang dito ang paglabag sa trapiko kung saan walang pa­kundangan kung lumusot sa traffic light kahit dilaw na ang ilaw na lubhang mapanganib sa iba pang motorista. Hindi naman mahabol ng mga traffic enforcers sapagkat natatakot silang sitahin o  tike­tan si “Congressman”.

Kung tutuparin ng PNP-HPG ang sinabing gigiyerahin ang mga sasakyang may plakang “8”, maganda ito. Sana nga. Hindi sana ito banta lang. Wala na sanang makitang plakang “8”.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PLATE NUMBER 8

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with