^

PSN Opinyon

PhilHealth vs PHAP

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY gusot ang PhilHealth at ang Private Hospitals Asso­ciation of the Philippines (PHAP) na kung hindi mapa­plantsa ay magdurusa ang mga mamamayang naghu­hulog para sa kanilang medical benefits.

Inaakusahan ng PHAP ang PhilHealth na hindi ito nakapagbabayad ng bilyun-bilyong pisong pagkaka­utang kaya malamang putulin na ng mga pribadong paga­mutan ang pagiging kasapi sa ahensyang paseguruhan. Kapag nangyari yan, saan tatakbo ang mga mahihirap na nagkakasakit?

Pero mariing pinabulaanan naman ng PhilHealth ang akusasyong ito. Anang PhilHealth, mahigit sa P212 bil­yon ang nabayaran nito sa mga pribadong ospital sapul pa noong 2014. Sino ang nagsasabi ng totoo?

Wala tayong kinakampihan sa mga nag-aalitang sektor pero nababahala ang lahat sa kahihinatnan ng ba­ngayang ito. Binibigyan kasi ng PHAP ng isambuwan ang PhilHealth para mabayaran ang malaking pagkaka­utang na umano’y mahigit sa P6 na bilyon at kung hindi, aatras na ang mga pagamutan sa pagiging kasapi ng ahensya. Suma-total, mawawalan ng saysay ang naihulog na kontribusyon ng mga mamamayang umaasa sa PhilHealth. Nakakalungkot ito.

Inaasahan pa namang mapagtitibay na anumang oras ang Universal Health Care bill na kapag naging ganap na batas ay magbibigay ng libreng medical care sa bawat mamamayang Pilipino. Kung magpapatuloy ang ganyang bangayan ng PhilHealth at ng mga private hospitals, paano maipatutupad ang batas?

Kung matuloy man ang pagpapataw ng mas mala­king buwis sa mga bisyo tulad ng sigarilyo at alak, mag­karoon man ng pondo ay nandidiyan ang tanong: Mapa­pangasiwaan ba ito ng tama? Hindi kaya maibulsa lamang ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan?

vuukle comment

PHILHEALTH

PHILHEALTH AT ANG PRIVATE HOSPITALS ASSO­CIATION OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with