^

PSN Opinyon

Inflation, gutom natural maging isyu sa halalan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“OPORTUNISTA.” ‘Yan ang bansag ng administrasyong Duterte sa mga pulitiko na ginagawang isyu ang mahal ng bilihin at malawakang gutom ngayong Halalan 2019. Pero wala silang magagawa. Natural na pag-usapan ang kalagayan ng mamamayan. ‘Yan kasi ang magiging batayan kung sino ang dapat iboto sa Mayo. Ipupuwesto ba ang mga nagpahirap sa madla, o ang mga bumabatikos sa mga maling palakad?

Mahigit kalahati ng mga Pilipino ang nagsasabing mas mahirap sila ngayon kaysa nakaraang taon. Marami nga sa kanila ay umano’y umangat na sa middle class, pero bumagsak muli sa hanay ng maralita. Dahil ito sa pagmahal ng gasolina, na nagpataas din ng presyo ng pagkain, gamot, pamasahe, at iba pa. Nadagdagan din nang isang milyong pamilya ang dati nang malimit makaranas ng gutom sa nakaraang tatlong buwan. Dahil ‘yon sa sobrang mahal ng bigas, karne, isda, gulay.

May mga pulitikong nililibang ang mga botante sa kung anu-anong palabas. May mga nagtutunggali kunwari na magkamag-anak, pero sinuman ang manalo sa kanila ay mananatili ang kanilang political dynasty. Merong nangangako ng suhol para maisingit sa balota.

Sa kabilang dako, merong nagpapauto na botante. Nalilibang sa palabas. Nagbubulag-bulagan sa kasakiman ng dynasties. Inaasam-asam ang suhol na tatanggapin kapalit ang boto.

Ang totoong nais maglingkod ay hindi gagaya sa estilo ng mga “trapo”, o traditional politicos. Alam nila na ang mga naghahasik ng poot, naghahati-hati sa madla, nagkakalat ng fake news ay maraming nakukuhang suporta­. Ganunpaman mangangampanya nang sinsero ang tapat maglingkod. Iiwas sa tukso na manira ng katunggali, gumamit ng dahas at suhol, at mandaya. Aasa siya sa talino ng mas nakararami na pipili ng pinaka-karapat-dapat lang para mamuno sa bansa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

HALALAN 2019

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with