^

PSN Opinyon

LIFE para sa mga magsasaka

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAPAG bagsak ang morale ng mga magsasaka dahil sa pinsala ng kalamidad, pati ang supply ng pagkain ay apektado. Dahil sa mga mapaminsalang bagyong dinanas natin, naapektuhan ang produksyon ng pagkain na isa sa mga maraming dahilan ng pagsirit ng pagtaas sa presyo ng bilihin.

Sa Ilocos Norte, may isinusulong na programa si Governor Imee Marcos na kung tagurian ay the right to Living Income for Farmers during Emergency o LIFE. Aniya, dapat igawad ng pamahalaan ang LIFE sa mga magsasaka na sinalanta ng kalamidad ang kanilang mga pananim para mabilis silang makabawi.

Ang konsepto ay bigyan ng trabaho ang mga apektadong farmers tulad ng pagkukumpuni ng mga nasirang dike, lansangan, tulay at ibang imprastruktura. Si Marcos­ ang kaisa-isang lokal na opisyal na kumakandidato para Senador sa darating na midterm elections sa Mayo.

Kaya habang nagsasagawa ng rehabilitasyon sa mga lugar na binagyo, ang mga magsasaka ay kasali sa pagba­­bangon ng kanilang lugar, at the same time, sinusu­wel­­duhan sila ng pamahalaan. May pamilya nga namang dapat pakainin at itaguyod ang mga magsasaka. Ani Marcos­, dapat ding bilisan ang pagpapalabas ng calamity­ funds ng mga pamahalaang lokal sa panahon ng mga kalamidad para tulu­ngan ang mga magsasakang na­apektuhan.

Umaabot sa P1.9 bilyon ang pinsala na dinulot ng bagyong Ompong sa agrikultura ng Ilocos Norte. Kaya kinakailangan ng pamahalaan ng Ilocos Norte na hingin ang tulong ng Department of Agriculture sa pamama­gitan ng Quick Reaction Fund para tulungan ang mga magsa­saka. Nagpatupad din ang Department of Social Welfare and Development ng cash-for-work program sa lalawigan.

vuukle comment

FARMERS

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with