Takbo, BOC fixer, takbo! Yari kayo kay PDu30!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2018 - 12:00am

TALAGANG malala na ang lagay ng Bureau of Customs. Bukod sa mga kurakot na opisyal, marami ang infected ng “zombie virus” sa loob ng departamento, lahat, walang pinalampas.

Itong mga “zombie” na ito ang isa sa mga salot at peste na gustong linisin ng Presidente. ‘Yung mga nagsasabing­ hindi sila gumagawa ng kalokohan sa loob, matatawag pa ring infected dahil, mas mataas pa nga ang tole­rance.

Mga tipo ng empleyadong walang pakialam sa mga nangyayari sa kanilang paligid… business as usual. Pikit mata sa talamak na korapsyon na nangyayari.

Katulad ng mga sinasabi ko sa aking mga staff sa Bitag Multimedia Network, hindi pupuwede ang ugaling permissive, dismissive at highly tolerant. Ganyan ang nangyari sa BOC. 

Sasabihin kong muli, pabor ako sa plano ng Presidente na i-militarize ang departamento. Kumbaga nga kasi sa cancer, end stage na ang sitwasyon. Mamamatay na ang buong ahensiya sa lala ng problema.

Kaya ngayon, sabi ng Presidente, pati mga fixer ay hindi palalampasin. Dapat lang naman talaga na ubusin ang mga linta mula sa itaas hanggang sa ibaba.

Kill all the fixers, sabi ng Presidente. Ngayon kung hindi pa rin kayo sanay sa pagiging out of the box ng Presidente, iba ang magiging kahulugan ng pahayag niya sa inyo.

Magiging malaking isyu na naman ito sa oposisyon at mga kumukontra sa Presidente sa mga susunod na araw.

Lalo na kapag narinig ng mga eng-eng na human rights advocates sa UN. Magbubulaan ang kanilang bibig at mamamaga ang mga mukha.

If you take the President literally at kapag pinaniwalaan mo kaagad, malilihis ka talaga. Or kung talagang malisyoso ang utak mo at galit ka pa sa lider ng bansa, iba talaga ang magiging interpretasyon mo anuman ang kanyang sabihin – negatibo pa rin.

Eto yun mga bossing, metaphorically, may halong hyperbole na may kaunting pagkabwisit ang kanyang pahayag: Barilin ang mga fixer tapos itapon sa dagat.

Simple lang naman ang mensahe. Linisin ang Customs. Baguhin na ang kultura ng hopelessness, helplessness at lawlessness sa loob.

Ang inaantay ko pang marinig sa Presidente, ilagay ang lahat ng opisyales sa Customs sa Malacañang at doon mag-opisina sa may basketball court!

BUREAU OF CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with