^

PSN Opinyon

Pagsabat ng Customs sa shabu ‘moro-moro’

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“MORO-MORO” lang ang pagkakasabat ng Customs sa shabu sa loob ng dalawang magnetic lifters sa Manila International Container Port. Ito ang lumala­bas sa imbestigasyon ng Senado sa malaking “nadiskubre” nu’ng Agosto 7 -- 355 kilos ng shabu, halagang P3.4 bilyon.

“Modus operandi ng malalaking sindikato na magpatiklo ng decoy shipment ng droga,” ani Philippine Drug Enforcement Agency director general Aaron Aquino. “Nililibang nila ang atensiyon namin sa umano’y malaking huli, para hindi namin mapansin ang mas malaking puslit.”

Gan’un na nga ang nangyari sa nahuling 355 kilos ng shabu sa MICP -- natuon ang pansin sa pier ng Maynila. Mabuti na lang ay napanood ‘yon sa TV news ng mga bodegero sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite. Itinawag agad sa PDEA na nu’ng Hulyo ay merong dinala sa kanila ng apat na katulad na magnetic lifters. Pero kinuha ng pitong Chinese ang laman, testigo ng mga bodegero sa Senado.

Sa swab test, negative sa droga ang loob ng lifters. Batay doon, sinabi agad ng Customs top brass na walang nakalusot na kontrabando.

Pero naamoy ng PDEA sniffer dog ang droga, da­lawang beses kada lifter. “Hindi nagsisinungaling, hindi nagpapasuhol ang aso,” ani Aquino. Batay sa timbang sa import manifest, 1,600 kilos ng shabu ang laman ng apat na lifters. Nirepaso rin ni Customs officer Atty. Lourdes V. Mangaoang ang x-ray scans ng lifters. Halatang merong nakasilid sa loob ng mga ito, aniya batay sa limang taon na pamumuno sa container x-ray unit. Nakabalot sa asbestos fabric ang shabu, proteksiyon sa init, sa nasabat na lifters. May asbestos din sa loob ng apat na nakita sa Cavite.

Lumabas sa Senado na nagkutsabahan ang Customs intelligence officials, isang retired police colonel, at isang PDEA deputy, ani Aquino. Nag-case build-up umano sila kaya natunton ang shabu sa loob ng lifters. Sinibak na ni Aquino ang deputy. Pinangalanan sila ni President Duterte sa isang drug matrix.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with