^

PSN Opinyon

EDITORYAL - DENR: Solusyunan ang air pollution sa Metro

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - DENR: Solusyunan ang  air pollution sa Metro

NAGING matagumpay ang paglilinis sa Boracay. Muli itong binuksan noong Oktubre 26 makaraan ang anim na buwan pagkakasara. Salamat sa galit ni President Duterte at nalinis ang tinagurian niyang “cesspool”. Malaking karangalan din para kay DENR Sec. Roy Cimatu ang pagbabago ng imahe ng Boracay. Kailan naman kaya sosolusyunan ni Cimatu ang air pollution sa Metro Manila na umabot na sa mataas na lebel?

Ang DENR ang may responsibilidad para maging malinis ang hangin sa buong bansa. Sa kabila na mayroong Clean Air Act, hindi pa rin nasolusyunan ang air pollution at lalo pang dumami ang luma­lason sa hangin na nagdudulot ng pagkakasakit gaya ng respiratory problem. Nawalan ng pangil ang DENR sa pagpapatupad ng Clean Air Act.

Ang DENR mismo ang nagsabi na ang mga sasakyan ang numero unong nagdudulot ng grabeng pollution sa Metro Manila. Walumpong porsiyento umano ng emissions ay galing sa mga tambutso ng sasakyan. Ang maruming usok mula sa tambutso ang nalalanghap ng kawawang commuters araw-araw. Nakalantad sila sa particles na may lason.

Malaki ang nagawa ni Cimatu sa paglilinis sa Boracay. At paniwala namin, malaki rin ang magagawa niya para masolusyunan ang lumala-lang problema ng air pollution sa Metro Manila. Kung nakaya niyang sundin ang Presidente para maging bago at mabango ang Boracay, kaya rin niyang linisin ang hangin sa Meto Manila.

Kung kami ang tatanungin para masolusyunan ang air pollution, tuluyan nang ipagbawal ang mga karag-karag na sasakyan. Ang lahat nang mga sasakyang 15 taong gulang pataas ay alisin sa kalsada. Ipagpatuloy ang kampanya laban sa smoke belching. Ipagbawal ang pagsunog sa mga basura na nakaaapekto sa pagkabutas ng ozone layer. Ipagbawal din ang paggamit ng incinerators.

Masosolusyunan ang air pollution sa Metro Manila kung magkakaroon lamang ng political will ang mga namumuno. Simulan na ngayon bago pa mahuli ang lahat.

vuukle comment

BORACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with