Puno ng kaimito ang nauna sa inyo kaya ‘wag putulin
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2018 - 12:00am

WALANG karapatan ang sinuman na mamutol ng puno. Nasasaad ‘yan sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Ibig sabihin, hindi basta-basta puwedeng bunutin o putulin ang anumang puno nang walang pahintulot ng lokal na gobyerno lalung-lalo na sa lupang hindi mo pag-aari.

Simpleng alituntunin na sinubukang ipaintindi ng Bitag-Kilos Pronto sa isang ginang na lumapit sa aming action center.

Ang kanyang sumbong, nais niyang ipaputol ang puno ng kaimito ng kapitbahay. Tuluy-tuloy daw ang pag­laki nito na halos pumasok na sa kanyang bahay.

Nakakatawa, nang dahil din sa puno ng kaimito ay nasira ang relasyon nilang magkapitbahay. Lalong lumala ang sigalot nang putulin ng ginang ang umano’y patay na sanga ng puno.

Dagdag ng ginang, inireklamo siya ng kapitbahay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sinang-ayunan ng ahensiya ang reklamo at ipi­natawag siya upang magpaliwanag.

Matigas ang ginang, malaki raw ang panganib ng puno ng kaimito sa kanilang buhay. Siya lang ang may­sabi nito, ni hindi niya pinasuri o inilapit sa city engi­neering para makumpirma ang panganib na maidudulot ng puno.

Nang tanungin ko kung anong klaseng lupa ang kina­titirikan ng kanyang bahay kung residential ba ito o agricultural, sagot niya, squatter lamang daw sila.

Anak ng kaimito! Eh pare-pareho silang walang karapatan sa lupa. Kung tutuusin, mas may karapatan ang puno ng kaimito na kanilang pinag-iinitan dahil mas nauna itong umusbong sa lupa.

Kabahagi ng kalikasan ang bawat puno at may karapatan ang mga ito na lumago, mamunga at manatili. At dahil parte ito ng kalikasan, protektado ito ng institusyon at konstitusyon, sa madaling salita ay titulado!

Simple lang ang mensahe ko, dahil hindi nila pag-aari ang lupa, wala sila ni titulo, puno ng kaimito ang nauna at, mas may karapatan itong manatili sa lupa kaya hindi dapat putulin!

BEN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with