Barangay Chairman Falcon, labas na!
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2018 - 12:00am

100%, masisibak si Barangay Chairman Felipe Falcon, sa kanyang puesto. Ito ang paniniyak ni DILG Secretary Eduardo Año, matapos makarating dito ang ginawa ng salbaheng kapitan na nanakit ng gantsilyo este mali binatilyo pala.

Malupit ang ginawa diumano ni Chairman Falcon na pananakit sa binatilyo kaya tuloy talk of the town siya ngayon.

Sumikat si kapitan hindi sa mabuting ginawa nito sa barangay kundi sa ginawa niyang pananakit sa biktima!

Masiadong naging abusado sa posisyon si Kapitan sa pag-aakalang hindi magre-reklamo ang magulang ng bata.

Kaya sabit ka Kap!

Bhe, buti nga!

Magsasaing este mali maghahain pala ng administrative case sa Ombudsman ang DILG para masuspinde si Kapitan. 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtatago ngayon si Falcon, lumilipad-lipad ito sa himpapawid para magpalamig. Hehehe!

Ang iba pang kagawad ng barangay na sangkot sa pananakit sa bata ay dapat ding sumuko o magpakita na.

Dapat silang managot sa ginawa nilang kagaguhan sa bata at harapin ang kaso nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Saturday night ay nagpunta sa barangay hall ang binatilyo para ibalik ang celphone ng kanyang kasangga.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natawag ng biktimang ‘kuya’ si malupitan este mali kapitan pala na hindi nagustuhan ng chairman. Napagkamalan pa ito ng biktima na barangay kagawad kaya naghihimutok sa galit.

Ang ginawa ni kapitan sa biktima ay sinuntok este mali sinampal pala umano nito nang cellphone ang binatilyo, pinalo ng sinturon at diumano’y pinukpok sa ulo ng dry seal kaya naman nagkaroon ito ng sugat sa ulo at mukha.

Ika nga, parang na-hazing ang binatilyo!

Malupit si Kapitan masahol pa ang ipinakitang ugali nito noong panahon ng Hapon (World War 2), sa biktima.

Dati kayang sundalong Hapon si Kapitan noong giyera?

Nagtatago si kupitan este mali kapitan pala sa ngayon ayaw niyang  lumutang para panagutan ang reklamo laban sa kanya.

Abangan.

* * *

Si Ding ‘haosiao’ sa NAIA

WALANG hindi nakakakilala kay alyas Ding ‘haosiao’ sa NAIA - Bureau of Customs, amoy lang nito ay namamaho na rito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit pinapayagan ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service, na magpuslit ng mga epektos si alyas Ding ‘Haosiao?’

Bakit kaya?

Nakikinabang kaya sila sa kamoteng ito? Take note, BoC Commissioner Jagger Guerrero, Your Honor!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangang ma-beripika ng pamunuan ng MIAA kung paano nagkaroon o sino ang nagbigay ng authorization para makakuha ng MIAA access pass si alyas Ding ‘Haosio.’ Pakikalkal lang,  MIAA GM Ed Monreal, Sir.

Hindi biro ang trabaho ni alyas Ding ‘haosiao’ sa mga international customs arrival areas 24/7 ito lalo’t may mga paparating na epektos ng kanyang mga kliente sa paliparan.

Si Ding ‘haosiao’ ang taga - salansan, taga - tulak palabas ng mga shipments ng kanyang mga among hindi nagbabayad ng buwis sa gobierno?

Kapag nailabas na ang mga itinulak ng kargamento  galing sa customs arrvial area saka mag-aabutan ng pera ang mga ito sa isang lugar sa NAIA kung saan ang usapan nilang magkikita.

‘Hindi kasi basta-basta ang abutan ng pera sa arrival area dahil sa rami ng kamera rito tiyak yari siya.’ sabi ng kuwagong mapagsamantala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit sa press parking area sa NAIA Terminal 1 pa pumaparada ang ogag na ito.

‘Sir pa, ang tawag sa kanyang ng mga security guards doon.’

Abangan.

EDUARDO AñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with