^

PSN Opinyon

BOC: State of Hopelessness! Helplessness! Lawlessness!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAHIT sino pang “malinis” na talpulano, si Hestas man, si Barabas, isama na rin natin si Hudas ang ilagay mo sa Bureau of Customs (BOC), talagang mananatili ang katiwalian.

Kahit na si Pres. Rodrigo Duterte pa ang ilagay mong pinuno sa BOC, malulusutan pa rin ng mga kurakot sa loob. Aminado rito ang Presidente nating si Digong.

Kabahagi na ng institusyon ng BOC ang “kulturang katiwalian”, hindi uubra ang sinumang lider kahit na may kamay na bakal. Kahit na sino pang diktador na malinis ang ilagay na pinuno sa BOC ay hindi uubra.

Kung sa sakit na “cancer”, malala na,  nasa terminal end stage na ang BOC natin. Ang dahilan, nilamon na ng cancer ang institusyon ng BOC.

Maraming malilinis at matitino na mga kawani ng BOC na trabaho lang sila subalit mga bulag, pipi’t bingi ang mga “pendehong” ito. Sila ang dahilan kung bakit nama­yagpag ang katiwalian, dahil sa kanilang panana­himik at “pangungunsinti” kaya ang korapsiyon ay lumalala sa terminal cancer stage.

Sa salitang Ingles, “The few good men” of Customs choose to remain quiet. I considered them as the “few remaining good cells” that are not yet infected.

But they choose to be the “walking dead” in the Bureau. They behaved as if they are already infected with terminal cancer cells, even though they are NOT. These bunch of cowards,  would rather remain silent up to their graves.

May kasabihan sa Ingles, “If you choose to withold the truth, then, you already lied.” When you lied, you already cheated. When you are cheating, you are stealing­. This is where the line is drawn.

The few good men of Customs are bunch of cowards and are selfish. Hindi nga sila mga tiwali’t magnanakaw pero wala silang pinag-iba, mga walang pakialam. Kaya dapat lang i-militarize na ang BOC.

Sa mga maiingay na pendehong pulitiko, kasama sila. Sila ang mga patron ng mga magnanakaw, tiwali at smuggler sa loob, ‘wag na tayong maglokohan pa mga tsong!

Bababa nga ang koleksiyon natin pansamantala sa mga susunod na buwan o taon. Kesa naman mataas nga ang koleksiyon na target pero walang katiting sa mga nakatagong katiwalian na ninakaw ng mga smugglers na may mga kasabwat sa loob.

Ang masahol dito, ang putris na mga ipinuslit na droga ang papatay sa susunod na henerasyon natin. Kaya send in the marines, the army, the navy, the airforce and the technical people who knows to obey first before they complain.

Our military people can accomplish the mission! Annihilate the culture of corruption. Militarize Customs!

Lahat ng may posisyon sa Customs at ‘yung may kinalaman sa mga inspection, dalhin sa Malacañang at doon mag-opisina sa basketball court. Hanggang sa magretiro at mangamatay na ang mga ito.

Mag-iiwan nga ng masamang panlasa ang militarization sa Customs dahil nasa state of lawlesness ito, martial law ang dating. Tiyak bababa ang ating koleksiyon pansamantala, kinakailangan ng konting sakripisyo.

For now, for the Bureau of Customs, short term pain is a long term gain.  Let’s do it quick and get it over with. Let’s stop the state of hopelessness, helplessness and lawlessness at BOC!

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with