^

PSN Opinyon

Tug-of-war

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

“HINDI pa tapos ang laban.” Ito ang pahayag ng admi­nistrasyon sa pagkakabasura sa kahilingan nito na mag-issue ng arrest warrant and hold departure order laban kay Sen. Trillanes ang Makati RTC 148.

Pero para sa kampo ng oposisyon, ito ay isang tagum­pay, hindi lamang kay Trillanes kundi para sa kalakaran ng batas at demokrasya sa ating bansa.

Matagal ding pinag-isipan ni Judge Andres Soriano ang igagawad na promulgasyon sa hiling ng adminis­tras­yon na arestuhin si Trilanes sa kasong kudeta na muling binuhay ni Presidente Duterte kahit isang dekada nang na-dismiss ng Korte. Ayaw niyang magkamali ng desisyon.

Sa tingin ko, ibig niyang mangibabaw ang kataru­ngan pero kasabay nito’y masisiyahan din ang adminis­tras­yon sa ipinalabas na desisyon. Kasi, sa kabila ng pagbasura sa hiling na arrest warrant at hold departure order, kinilala naman sa resolusyon ang legal na kara­patan ng Pangulo na magpalabas ng direktiba na nagpa­pawalang-bisa sa amnestiyang ipinagkaloob ng noo’y Presidente Noynoy Aquino kay Trillanes. Sa paningin ng iba, parang “playing safe” ang hukom. Tila namamangka sa dalawang ilog.

Sa kabila nito’y abut-abot ang pasasalamat ni Tril­lanes kay Judge Soriano na aniya’y nagpakita ng tunay na pag­mamalasakit sa demokrasya.

Pero mukhang determinado ang administrasyon na ikalaboso muli ang Senador, kaya kinaringgan natin si Justice Secretary Menardo Guevarra na “hindi pa tapos ang laban.”

Kaya ang usaping ito’y isa pa ring “telenobela” na ma­tamang susubaybayan ng bayan. Sana nga’y mangi­babaw ang hustisya at huwag mabaluktot ang batas sa nagaganap na “tug of war” na ito.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with