^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kusang magpa-drug test ang mga kandidato

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kusang magpa-drug test ang mga kandidato

BALAK ng Philippine Drug Enforcement Agency­ (PDEA) na magsagawa ng sorpresang drug test sa mga kandidato sa 2019 elections. Sabi ni PDEA director general Aaron Aquino, kung sorpresa ang gagawing drug test, hindi makapaghahanda ang kandidato. Kung magiging hayagan ang pag-drug test, maaaring hindi muna gagamit ng droga ang kandidato kaya magne-negative ang mga ito. Kaya mas maganda umano kung big­laan ang gagawing pag-drug test para tiyak na malalaman ang mga kandidatong lulong sa bawal na droga.

Maganda ang balak na ito ng PDEA. Kung matu­tuloy ito, makasisiguro na ang mga uupo ay hindi drug addict. Mahalaga ito lalo pa sa panahong ito na masyado nang talamak ang paggamit ng droga. Sa kabila na matindi ang kampanya ng pamahalaan sa illegal drugs, marami pa rin ang nakakalusot at naikakalat ang mga ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Maski ang mga liblib na lugar sa bansa, na hindi pa naaabot ng kuryente at malinis na tubig ay naunahan pa ng shabu. Maraming kabataan ang ginagawang halimaw kaya mataas ang krimen sa maraming lugar sa bansa.

Dapat suportahan ang balak ng PDEA na isa­ilalim sa sorpresang drug test ang mga kandidato. Malaking tulong ito para malutas ang problema ng droga sa bansa. Sa mga kandidato naman na ang hangad ay malinis na paglilingkod, dapat ay sila na mismo ang magkusang magpasailalim sa drug test. Dito makikita na talagang malinis sila sa droga sapagkat nagkukusa na. Hindi na dapat pang hintayin na magkaroon ng sorpresang pag-drug test.
Sabi naman ng Dangerous Drug Board (DDB), mahigpit nilang ipinaaalala sa mga mananalong kandidato, na dapat kusa silang magpasailalim sa drug test sa sandaling maiproklama na sila. Ang mandatory drug testing sa mga nanalo ay nakasaad sa batas at walang makatututol dito.

Dapat magpakita ng halimbawa ang mga kandidato na may kaugnayan sa pagsasailalim sa drug test. Manguna sila para makita ng taumbayan na hindi sila sangkot o kaya’y gumagamit ng droga. Nga­yon ang panahon para maipakitang kalaban nila ang mga salot na drug traffickers. Hindi na biro ang problema ngayon sa illegal na droga sa bansa.

vuukle comment

DRUG TEST

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with