^

PSN Opinyon

‘Kayo sa Quezon City, dapat en-JOY kayong lahat!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NGAYON pa lang, bantayan niyo ang mga kinikilos at galaw ng mga pulitikong trapo sa lokal na lebel  na tatakbo ngayong eleksiyon.

Bantayan ‘yung mga pulitikong maiingay. Bantayan ‘yung marumi ang estilo ng laro. Bantayan ‘yung ang gusto ay  paninira, panggigiba ng kanilang magiging katunggali.

Suriing maigi ang disposisyon at inaasal ng mga trapong ito. Sila ‘yung mga mainitin ang ulo, iritable at nag-iiwan ng masamang panlasa sa kanilang mga nakaraang desisyon at aksiyon sa kanilang lokal na balwarte.

Maituturing silang mga beterano sa larangan ng pagi­ging lokal na pulitiko. Sa salitang Ingles, “seasoned” o bihasa. Bihasang brusko, mainitin ang ulo na wala sa lugar.

Wala sa kanilang bokabularyo ang pagiging “pino” o pagiging disente sa pagiging konsehal, pagiging congressman at ngayon ay gustong maging Mayor ng Quezon City.

Naging laman na sila ng media, primetime pa sa telebisyon, nakita ang kanilang kabruskuhan. Ang isyu, ‘yung MMDA noon.

At kamakailan lang, nadawit sa isyu ng maanomalyang pork barrel scam na hindi umano napunta sa taumbayan kundi doon sa kaniyang mga supporter lang – aba’y putok sa buho ‘to!

Maraming ganitong uring pulitikong trapo sa Pinas, Luzon, Visayas at Mindanao, partikular sa mga probinsiya, munisipyo. Pero ‘wag na tayong lumayo pa, sa Metro Manila na lang, sa National Capital Region – sa Quezon City.

Kumustahin natin ang mga tatakbo sa pagiging alkalde. May isa diyan, nag-uumpisa na agad, negatibo ang dating, ang gustong laro ay “batuhan ng putik”.

Sa halip na ipakilala ang kaniyang sarili, ang kaniyang plataporma kung paano pagagandahin ang serbisyo sa Quezon City para sana masuri’t mapili ng mga botante kung sino ang karapat-dapat, opensiba agad, naninira na, naninisi pa.

Aba’y kung anu-ano na ang pinagsasabi laban doon sa babaeng tatakbo ng alkalde na ang pangalan pa lang ay nagdudulot na ng “saya” o “JOY”. Etong si kolokoy, ang gustong laban ay “bembangan”.

‘Yung pangalang pinagsamang si Bing at si Bong. ‘Yung aleng masaya na si JOY, ang gusto ay malaya at masayang “makapili” ang mga tao kung sino ang karapat-dapat na maging mayor. Etong isang mahilig sa bembangan, mga tsong at mga tsang, listo kayo diyan!

Bantayan n’yo rin ‘yung isang hindi ko pa binabanggit na kilala rin ang pangalan, ewan natin baka naman mas masahol pa o baka magsanib puwersa pa ang dalawa. Who knows?!

Ako si BITAG, residente ng Quezon City, mahigit tatlong dekada na. Gusto ko masaya ang eleksiyon, mapa-pulitiko mang tatakbo at mga botanteng boboto.

Walang basagan ng trip, walang bembangan, walang okrayan, walang bastusan. Bawal ang pikon, trabaho lang ‘to, walang personalan, public service lang.

Ang kailangan ay disenteng ilatag ang plataporma, kayong mga tatakbong pagka-mayor sa Quezon City. Huwag haluan ng kasinungalingan at pambobola. Pawang katotohanan lang at kailangang masaya ang mga botante, as in en-JOY kayong lahat, hindi badtrip!

Gets n’yo ba mga taga-Quezon City? Abangan ang mga susunod na birada at pagbabantay ni BITAG!

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with