^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Nakababahala ang mga estudyanteng ‘tulak’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL- Nakababahala ang mga estudyanteng �tulak�

SUNUD-SUNOD ang pagkakahuli sa mga estudyanteng nagbebenta ng kush, isang high grade variant ng marijuana. Bukod sa kush, nagtutulak din sila ng party drugs gaya ng ecstacy. Nalalaman kaya ng mga magulang ng mga estudyante ang nangyayaring ito? Nasusubaybayan pa ba nila ang kani-kanilang mga anak?

Ayon sa report, dumadagsa ang party drugs at kush sa bansa. Mas mabilis umano itong ipuslit kaysa sa shabu at iba pang ipinagbabawal na droga. Karaniwang nanggagaling sa Los Angeles, California ang kush.

Noong nakaraang linggo, apat na estudyante ang nahuli ng mga pulis makaraan ang isinagawang buy-bust operations. Nagpanggap ang mga pulis na bibili ng party drugs at kush. Nahuli ang apat sa kanto ng Taft Avenue at P. Ocampo St. Ayon sa mga pulis, pawang mga estudyante rin ang parukyano ng apat. Nakikipagtransaksyon sila sa pamamagitan ng social media. Nahuli sa apat ang droga na nagkakahalaga ng P220,000.

Nang araw ding iyon, apat ding estudyante ang nadakma ng mga pulis sa Claro M. Recto, Maynila at nahulihan ng P240,00 halaga ng tuyong marijuana. Nahuli ang apat makaraang magkunwaring buyer ng marijuana ang isang pulis. Nasa edad 18, 19 at 20 ang mga nahuling estudyante. Ayon sa mga suspect, nagbebenta sila ng marijuana para may maipang-tuition.

Paigtingin pa ng pulisya ang kampanya sa mga estudyanteng nagtutulak ng party drugs at marijuana. Dapat din namang kalampagin ang mga magulang ng mga estudyante para mailigtas sila sa lalo pang pagkabaon sa kumunoy ng drug pushing. Nararapat nilang subaybayan ang kanilang mga anak sapagkat naliligaw ng landas ang mga ito.

Mahirap paniwalaan ang alibi ng mga estudyanteng tulak na pambayad ng tuition ang dahilan kaya sila nagbebenta ng droga. Alam nilang mahigpit itong ipinagbabawal at may kampanya ang pamahalaan dito. Hindi ito ang paraan para kumita ng pera para may maitustos sa pag-aaral. Nahuhumaling sila sa pagbebenta ng droga sapagkat madaling kitain ang pera sa paraang ito. Kailangang maputol ang kanilang masamang gawain.

vuukle comment

DRUG PUSHER

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with