^

PSN Opinyon

Isang taong VAT suspension

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

AMINADO si Presidente Duterte na walang magagawa ang gobyerno para mapigil ang pagsirit sa halaga ng mga bilihin. Bago niya sabihin ito, tingnan muna sana ang ilang panukala na maaaring makalutas sa problema.

Halimbawa, panukala ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang isang taong suspension ng Value Added Tax sa pagkain, petrolyo at elektrisidad, lakip ang ilang substitute measures upang mapunuan ang P362 bilyong malulusaw kung ipatutupad ang kanyang panukala. Masyadong matindi ang inflation o pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Nahihirapan na ang mamamayang Pilipino. Ani Marcos na kakandidato sa pagka-Senador sa midterm elections, makatutulong ang proposal niya upang maibsan ang paghihirap ng sambayanan na hindi na makakapaghintay sa mga planong anti-inflation strategies na matagal pa bago maipatupad.

Ang kombinasyon ng sampung porsyentong pagpapabuti sa income tax collection, mataas na absorbtive capacity at pagbabawas sa underspending ay tinatayang makakailak ng P362 bilyong revenue na maipapalit kapag sinuspinde ang Value Added Tax, aniya. Ayon sa datos ng Bureau of Internal Revenues kung ang  income tax collections ay maitataas sa 10 percent, kikita ang pamahalaan ng  P102 billion hanggang P113 billion sa taong ito hanggang 2019.

Kompiyansa si Marcos na posibleng-posible ang panukala niya base sa kanyang karanasan bilang gobernadora at kongresista sa ikalawang distrito ng Ilocos Norte. Anang Department of Finance, ang mga panindang pagkain tulad ng bigas, isda, karne at gulay ang siyang malubhang apektado ng inflation. Maaaring hindi maaamyendahan ng Pangulo ang Tax Reform Law pero dahil sa kakaibang situwasyon ngayon, puwede naman niyang suspendihin ang implementasyon nito ani Marcos.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with