^

PSN Opinyon

Boracay, dekada ng mukha ng kapabayaan

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Unti-unti nang lumalabas muli ang kagandahan ng Boracay at inaasahan ang agarang pagbalik ng sigla nito.

Naganap ang soft opening nitong Martes (Okt. 16). Mas maaga sa itinakdang panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte na 6 na buwan simula noong Abril 26 na linisin at i-rehabilitate ang Boracay. Aba’y ‘yan ang tinatawag na gawa ng isang achiever, accomplisher,  talagang action man and ahead of schedule ang deliverables. Kudos to you DENR Secretary Roy Cimatu!

Hindi kapareho ng iba riyan, sakay agad, angkas agad at sawsaw agad. Patay-gutom sa publisidad. Lakas ng apog na umepal nang wala pang naipakikita  maliban lang sa kanyang mga drama  noon. Siya ‘yung nagsabing ang turismo raw ay pagkain dahil ang kanyang first love ay pagkain. Hello?! First and foremost, tourism is all about destination and memories.

Eto ang hubo’t hubad na katotohanan na sinapit ng Boracay. Ang Boracay noon ay maituturing na mukha ng mga kapaba-yaan ng mga nakaraang administrasyon. Mga pulitikong  naging suwapang, ganid. Ginamit nila sa mga pansariling interes ang Boracay. Kuwidaw, dahil nagpabaya rin ang dilg at denr noon at lumala pa pagdating ng panahon ng mga dilawan.

Kaya sa termino ni President Digong kung saan tinawag niyang cesspool at tapunan ng basura ang Boracay, agad niyang tinuldukan ito! Himayin natin ang ilan sa mga mali at kasalanan noon kung bakit matinding nasalaula ang Boracay:

Una, indiscriminate issuance of permits and licenses to tourism establishments.

Hindi inusisa, siniyasat, in-inspeksyon ng lokal na pamahalaan ang mga nagtatayuang establishemento. Ikalawa, walang pakundangan din ang pagbibigay ng denr at dilg ng tinatawag na environmental compliance certificate. Ikatlo, pinulitika ang turismo ng Boracay. Dahil ang mga pulitiko na nakakasakop sa isla noon, naging teritorial at naging gahaman.

Inangkin ang Boracay at ginawang political platform ng mga regional politicians na nakadikit sa administrasyon ng dilawan noon. O sana ngayon natuto na sila, maging aral na tayo. Sabi nga, history repeats itself that is if you don’t learn from the past. Mauulit at mauulit muli ang pambababoy sa Boracay noon kapag hindi tayo natuto sa mga mali ng nakaraan. 

Related video:

vuukle comment

BORACAY ISLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with